Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lalago" poems
Hindi matigas lahat ng bato Hindi lalago ang halamang nakatago Pero kung bubunutin din naman Anong silbi ng pagkakakilanlan? Itaas ang kamay kung ginawa mo ito: Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo, Kung gayon, ito ay duwag at gago, Tingnan bilang presong kulong sa kandado At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo, Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!" Putang ina, lahat iyon ay narinig mo Hindi na kaya ng sentido mo Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig Tomboy, bakla, bayot, tibo Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam 'Mahalin mo ang 'yong kapwa' Banggit at turo ng May Likha Pero bakit may galit ata Nagpahayag nito't nagsalita? Hindi ba itinuturing na kapwa sila? Na kasama **** lumaki, magdalaga? Kalaro ng chinese garter baga, Kahit alam **** lalaki naman talaga siya Ang saya na dulot niya di mo naalala Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya Sapatos lang daw at k'onting barya Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya? Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?' Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama? Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba? Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na? Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga Pero 'wag mo naman sanang isiping Naisip niya minsang ika'y makasiping Alisin na natin ang malawakang pag-iisip Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip, Lalawak ang saradong takip Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap Matapos na ang inis at galit Pagmamahal ang pumalit
0
Jun 28, 2016
Jun 28, 2016 at 5:57 AM UTC
Isipin mo

Continue reading...
52
Sa'yo, ako'y nanabik. Sabik ako Sayong presensya kaya di na ako mag-aaksaya. Ako'y Iyong inaalala sa bawat segundo kaya iniwanan ko ang buhay na makamundo. Heto ako, patulong **** binago at kalooban Mo na ako'y lalago. Salamat sa Iyong pangako na di talaga napapako.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 11:14 PM UTC
Sabik
Ang pag-ibig ay 'di naisusukat ng mga letra Kung magbabakasakali lamang na ito'y makita Kahit na may malayo, at posibleng may magbago Ang pagibig ay nandyan, at nananatiling buo. Ano nga ba ang pagibig kung hindi ka totoo? Totoo sa bawat salita, at binitawang mga pangako? Pangako na inilahad, ngunit laging napapako Napapakong pagmamahalan, kailanma'y 'di na lalago. Kapag sinabi mo bang "mahal kita", Ay talagang sigurado ka na? Totoo ba talaga lahat, ang iyong nadarama? Tagos sa puso, matino, at sayo'y may pagkakilala? Kung minsan ang pagibig, ay seryosong usapin Hindi sapat ang salita at dapat hayaan ang damdamin Hindi lamang sa isang tao, kundi sa bawat isa sa atin Dahil ang pagibig ay turo ng Maykapal, sa kalooban natin.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:28 AM UTC
Pag-ibig
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila, may kanya kanya ng Propisyon sa buhay. Meron ng naging Guro,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya. Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa. At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama. Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila? At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay. paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo. Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka. Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama. Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa. Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho. Pagod puyat,ulan at init ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang ay pinangarap na nating dalawa. Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya. Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo. Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
0
Mar 22, 2024
Mar 22, 2024 at 10:46 AM UTC
Kailan ang 'yung Pag-Lago?