Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AJ Bactol Sep 2017
Sa distansya umusbong ang lahat
Kung paano nagkrus ang ating mga landas
Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa
Sa simpleng pagbati mo nagmula

Sa distansya tumibay ang relasyon
Nagpakatatag sa panahong magkalayo
Kinubli ang hirap ng mga pagbabago
Nanahimik sa likod ng maraming tanong

Sa distansya nagsimula ang problema
Kawalan ng tiwala ang naging ugat
Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban
At hawakan ang pangakong unting unting nawawala

At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos
Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to”
Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon
Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
Kalawakan Sep 2020
Hulyo, 2005.
Nag simula bilang taga masid,
Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid.
Pero puso ay di sumuko,
Lagi ang isipan sayo'y patungo.

Salamat sa iyong ngiti
Ni minsan ay di mo kinubli,
Kaya nga ika'y agad napansin
Naka bihag ng puso na di akalain.

Mukhang laging nakasimangot,
Nababalot ng lungkot.
Ngunit sa ngiting iniwan,
Naging isang magandang larawan.

Humarap sa salamin,
Handa na ba aminin?
Biglang natakot ang sarili
Alam na ika'y mapili.

Naging magulo ang isipan,
Na para bang masisiraan,
Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan
Na mananatiling magkaibigan.

Labing limang taong pag-ibig na tinago,
Kailan nga ba mabibiktima ni kupido?
Kinaya na mamuhay mag-isa,
Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa.
Patuloy na mangangarap at mananaginip,
Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.

— The End —