Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katakutan" poems
Takot ka? Sabihin mo sakin Takot ka ba? Hindi tayo isang pelikula na ginawa para mag paiyak ng batang madaling mapaniwala. Hindi tayo pag susulit sa matematika na gustong iwasan ng lahat sa takot na bumagsak sila. Oo takot ka. Ako din naman. Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kahit piling piling mga salita ang gamitin ko ay mali parin ang aking maisambit. Hinagpis. Hinanakit. Kapit. Kaya pa ba? Sabihin mo sakin kaya pa ba? Ipagpapatuloy pa ba nating ang pag tupad sa mga pangako. Pagtupad sa lahat ng mga "Itaga mo sa bato..." O, iiwan nalang natin itong nakabinbin sa dating tayo. Tayo. Meron pa bang tayo? Nasaan na yung ikaw at ako. Nasaan na ang mga salitang "Hinding hindi ako magsasawa sa iyo". Napagod ka na bang punan ang mga pagkukulang ko? Kailan ka kaya makokontento. Takot nakong tumingin sa karimlan ng langit na baka may isang bulalakaw ang mapadaan at hilingin kong tayo nalang palagi. Hindi naman maari. Napapagod din ang damdamin. Hindi na alam ng tadhana ang gagawin. Pagod ka na ba? Sabihin mo sa akin pagod kana ba? Kasi ako Oo. Ayokong katakutan ang bukas. Ayokong manghinayang sa kahapon. Ngunit Mahal pagod na ako. Pagod na ang puso matakot. Nahihirapan na ako huminga sa hindi mo pag pansin sa patuloy kong pagkapit. Gusto ko ng matapos ang pag hikbi. Ano pa ba ang silbi. Ako nalang ang natitirang sundalo. Wala kahit na anong baril na dala. Sugatan na tumatakbo. Tama na. Talo na. Pagod na ako sa pagiging hindi sapat. Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat. Patawad mahal sa pag suko. Pero eto na ata. Tapos na ang gera sa isip at puso. Tapos na tayo.
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 9:46 PM UTC
Liham ng pag hingi ng tawad sa pag suko

Continue reading...
46
Pag ibig Kanya-kanyang depinisyon Kanya-kanyang eksplinasyon Isang uri ng salamangka Na makakapagpapabago ng lahat Makapagbibigay ng dapat at sapat Pero hindi lahat ng dapat ay kailangang maging sapat Dahil kailanman ay hindi naging sapat ang lahat Maghahangad ng iba Maghahanap ng ibang kasama Pero gayunpaman ay wag kalilimutan Na ang pag ibig ay pag ibig parin Kahit ito pa ay paiba-ibahin O kaya nama’y balibaliktarin Bawasan mo man o buuin Pag ibig parin Pag ibig Ito ang tuwa sa isang libo **** luha Isang porsyento sa ilang daang libo Ito ang kahulugan sa bawat salita ng diksyonaryo Ito ang nagbibigay pag-asa sa bawat gising mo Ito ang magtuturo sayo Na ang sakit at pait ay hindi bagay na dapat **** katakutan Hindi bagay na dapat **** sukuan O kaya nama’y dapat **** kalimutan Dahil ang pag ibig ay ang lakas sa bawat paghina Ang kagustuhang tumayo sa bawat pagsuko Ang pagsulong sa bawat pag urong Ang simula sa bawat katapusan At ang katapusan sa bawat simula Dahil ang katapusan ay hindi masama Ito ang simbolo ng tagumpay Ang simula ng simula Pag ibig Ang magbibigay ng sagot sa bawat tanong Sa ano, bakit at paano Ang pupuno sa bawat kakulangan mo Pupunan ang pangangailangan mo Ito ang tulay sa bawat pagitan Malakas, matibay, mapagkakatiwalaan Sapagkat ang pusong puno ng pag ibig Ay malakas, matibay at mapagkakatiwalaan Ito ang magkumukunikta sa dalawang magkaibang mundo Kahit na sino at kahit na ano Kahit na ano pa ang kasarian mo O kahit na ano pang kinabibilangan mo Sasagipin ka nito sa pagkalunod Sa pag iisa Sa mga panahong akala mo’y wala ka nang kasama O kaya nama’y kinalimutan ka na Yayakapin ka At nang hindi manlamig at mamanhid ang iyong kaluluwa Pag ibig Di ka nito huhusgahan Tatanggapin ka kahit ano ka man Dahil kailanman ay wala itong batayan Kahit ano pa man ang iyong pinaniniwalaan Dahil pag ibig lang ang may konsepto ng pagtanggap Pag unawa at walang halong pagpapanggap Ito ay puro at dalisay Hindi pinapahina ng panahon At sa halip ay lalo pang pinapatibay Ito ay mas malakas pa sa bawat pagsubok Mas mataas pa sa pinakamatarik na bundok Pag ibig Ito ang produkto ng konseptong positibo ng pluma at panulat Ng tuno at liriko Ng imahinasyon Ng respeto at pagpapahalaga Umibig at ibigin Sabihin kung ano ang laman ng damdamin Sayo, ano ang pag ibig?
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 9:50 PM UTC
Ano ba ang Pag-ibig ?

73
1 Mayroong isang liblib na lambak Na kung tutunguhin ay ikapapahamak 2 Ng mga sawing-palad na kalalakihan Kahit lamang mapadaan 3 Kalupaang sa punungkahoy mayabong Naglipana ang mga patibong 4 Gawa ng mga binibini Upang manghuli ng mga lalaki 5 “Amazona” sila kung tawagin Dapat silang katakutan at galangin 6 Sinumang magtangkang mangahas Ibubuhos ng mga Amazona bangis at dahas 7 Kaawa-awa kang lalaki ka Kung padadakip ka sa kanila. -07/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:02 PM UTC
Tumatarok -Ang Lambak ng mga Amazona-