Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kasarap" poems
Marahil ikaw ang mabisang gamot Na laging naka ngiti at ang noo'y naka kunot Sana'y lagi kang ganyan at hindi malungkot At sa dibdib ay wag magtanim ng anumang poot Pagkat bakas sa iyong mata ang kalungkutan Na tila dulot ng nakaraang paglisan Ako'y nagagalak dahil sa iyong katapangan Na para bang kaya **** harapin ang kinabukasan "Galingan mo pang lalo" yan aking sambit Dahil alam kong pangarap mo'y malapit mo ng makamit Pag aaral ng ukol sa ngipin ay hindi madali Pero pag-papangiti mo sa ibang tao'y talagang wagi Para sa ilang araw na walang tulog Para sa isip **** determinado't may pagsisikap Kapit lang. Dahil balang araw ikaw'y makaka ahon Sa lula ng pasan **** panahon Nais kong malaman mo'y ako'y galak Sa ugali **** taglay at sa mga tawa **** walang humpay Asahan **** sa iyong paglalakbay na lagi akong naka gabay At unang ngingiti sa iyong tagumpay At para sa puso **** marupok na minsan ng nauntog Nawa'y mahanap na nya ang sariling tuldok Dahil ang nais ko lang naman ipabatid Ay kung gaano kasarap mahalin at magmahal ng solid
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:12 AM UTC
MEDISINA
"Pusong Binihag" ninakaw ng ulap ang abot langit na galak inaagaw ng hangin ang iyong halimuyak wag mo sanang ipagdamot ang iyong yakap at sana'y itangay ng iyong pakpak sa alapaap mga ngiti mo na sa akin ay nagbihag at sa bawat tingin ako'y nalalaglag sa nararamdaman kong di maipaliwanag ng damdamin nating unti unting nalalaglag nakukulong sa silid ng pagibig hindi makatakas sa lalim ng 'yong titig na kung may ano sa gitna ng dibdib habang ikaw lang at ako ang nasa paligid habang hawak ang malambot **** mga kamay mahigpit kong sinisiguradong hindi ka mawawalay pagkat dito sa aking bisig taimtim na humihimlay ang aking mahal na nagbibigay buhay sa halik ng matamis **** labi na sadyang nakakalasing o kay hirap umamin, o kay hirap magsinungaling tinatangay ng malamig **** tinig na musika sa akin ganto pala kasarap kapag dininig ang panalangin ganto pala kasarap na tinupad mo aking hiling ganto pala kasarap kung ikaw lang ang kapiling ganto pala kasarap na ikaw ay dumating ganto pala kasarap...... na ako ay iyo at ikaw ay akin
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 3:14 AM UTC
"Pusong Binihag"