Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"itinalaga" poems
Nang mawala ang pangalawa kong trabaho Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko Walang atubili’y akin siyang tinungo At sinubukan bago kong palad dito Sa TED kung saan una akong itinalaga Mga batikang **** dito aking nakasalamuha Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama Kayrami kong natutunan mula sa kanila Minsang itinuring ko na parang mga ina Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan Para ko naring naging ama si Sir Hapitan Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan Akala ko noon ay mahirap silang turuan Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto Kaya ang naging tingin ko sa mga ito Ay parang sa Encantadia na mga engkantado Taglay ang katangian ng 5 elemento Dito rin sa Encapsudia, ako’y naging estudyanteng **** Nang mag-Uniting, mga estudyante ko’y naging kaklase ko May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU! -10/14/2017 *a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its 3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:05 PM UTC
Ang Kapuso Kong CapSU
ikawalong baitang nang ika'y makilala isang diwatang nag-anyong dalaga tila'y isang biyayang hatid ni Bathala handang maging alipin na itinalaga isang reynang naligaw sa isang kaharian ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan walang mali sa 'yong kagustuhan ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay nagsimula tayong matatag at dalisay ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman nang hindi sa isang mahapding katotohanan na ngayo'y pilit na binabalikan ang pagsikat hindi na muling mahahagkan kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw sa isang kahariang mapurol at maginaw hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 8:37 AM UTC
Mayari
umagang umaga ikaw sa akin ay nagbibigay kaba mukhang ikaw yata ang babaeng sa akin ay itinalaga naririnig ko na ang bawat yapak ng iyong mga paa at unti unting bumibilis ang aking paghinga diko maigalaw ang aking mga kamay at paa parang ako ay napaparalesa nandyan na ang **** at nagsimula ng sa pagturo pero diko parin maalis alis paningin ko sayo ikaw na yata ang magiging subject ko boung klase tayo ay magkatabi hindi mo alam palihim akong kinikilig at ngumingiti pagkat minsan lang to mangyari kung pede nga lang e extend ang klase hanggang hating gabi oras na ng uwian gusto ko sanang ikay sabayan papunta sa inyong tahanan kaso ikay dina abutan kaya dali daling nagtanong sa iyong mga kaibigan kung saan ka dumaan para ikay aking masundan nang ikay naabutan diko inaasahan sa aking nadatnan may nagmamay ari na pala ng iyong kagandahan akoy biglang napatulala napatingin sa mga tala diko namalayan tumula na pala itong mga luha kaya aking napagtanto itatawa ko nalang ang lahat ng ito at kakalimutan ang isang tulad mo ...
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 5:09 AM UTC
crush na kaklase
50 Anim na araw bago ang kasalan Muling nagkita ang magkasintahan 51 Kasama nila ang Diwata ng Lupa Sa pook na itinalaga 52 Unang pagsubok sa prinsipe Tanggalin lahat ng mga kabute 53 Kanya itong kinayang mag-isa Gamit ang matalim na espada 54 Mula umaga hanggang hapon Oras at lakas niya’y itinuon 55 Habang si Loria’y tagapagpunas-pawis At tagapagpa-inom sa prinsipeng pagod na labis 56 Sa wakas paglubog ng araw Naubos lahat ‘di man nagpugnaw. -06/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:52 PM UTC
Siboloria 8 -Unang Pagsubok-