Umaapaw ang puso ko Sa pagibig na alay mo Kalakip ng aking halik Sinulid ang ibinalik
Aanhin ko ang sinulid? S'an ko ito isisilid? Bakit dulo lang ang hawak? Saan ang kabilang hatak?
Ano ang nais **** itakda? Ikaw ba ay may iniakda? Aanhin ang sinulid? Tastas ba aking damit?
Ako ba ay magtatahi? Seda ba ang ihahabi? Magluto nga'y di ko magawa Magtahi't humabi pa kaya?
Sa aking pangungulit Sagot ang iyong hirit Sa iyong winika Ako'y napayapa
"Sa tatahakin ng ating pagiibigan Tyak masalimuot ating pagdaraanan Agam agam ay pawiin Pagaalala ay hawiin ....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"