Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sylvina Brave Feb 2018
Katulad ko, ang tao’y sadyang mapaglinlang kung minsan
Hindi lubos maisip na kayang gawin ng sino man
Sa mga nagtitiwala sa iyong karunungan
At ito’y maging sanhi ng sugat sa munting tahanan.

Ang mga nakapaligid ay apektado rin naman
Ngunit hindi kailanman na mas binibigyang-pansin
Ang mga mapanglait at mapanghusgang katauhan
Kaysa hinagpis ng mga nagmamahal na magulang.

Ako di’y nasasaktan sa kanilang pagdaramdam
Salitang binitiwan ng mga taong malapit man
Ang lakas ng loob ay unti-unting napapawi rin
‘Tsaka mag-isang nagkukubli sa loob ng tirahan.

Hirap mang unawain aking naging karanasan
Hirap ding tamuhin na ika’y kanilang tanggihan
Bunga ng kasalanan ay buong-pusong tanggapin
Akin ring susuurin kung ano man ang nailaan.

Natitirang lakas at tapang ay aking gagamitin
Tuloy pa rin ang laban sa likod ng kabiguan
Hanggang masalimuot na pangyayari’y maliwanagan
Namnamin pati ang nalalabi pang kasiyahan.

Taos-puso kong panalangin sa iyo, Panginoon
Na ipagkaloob ang hinihinging kapatawaran,
Ipinagdadasal ko ang minimithing kapayapaan
At ipagdiwang ang dalisay na bagong kabuhayan.
#reflection #failure #remorse #isolation #pain #pray #forgiveness #peace
kingjay Mar 2019
Isugpong ang lupa't langit
Lumaon na pagsuyo'y naaanod
Sa kanluran ay naninikluhod
na sana maging malubay ang kasikipan ng loob

Ipagkaila sa tapat ng altar
Tumanda na naangkin ay di ibibigay
Di sadya man mamutawi sa labi ng mga kaibigan
Mag salangsang sa pag-ibig at nang humanggan

Sa wakas ay kusang mabubuhay
Sa walang panahon o oras
Ihuhubog ang mundo na tumila
Gaya ng dasal ng patay sa kalawakan

Ipagkaloob ang kasarinlan
sa marubdob na kinikilos ng itong kaluluwa
Mahiwalay sa katawang tao
At ang karunungan ang siyang magpapalakad sa gawa ng Maylikha

Sapagkat natumbok ng hirang ang budhi
Hindi na kaya maitakwil
Mismo ang kanyang kamay tumarak ng salapang
Sinugat ang kaluluwa - inalila ng kanyang pagnanasa
Cal Ashiq Aug 2022
Tara na sa bahagharing kay ganda
Kasabay ng kislap ng iyong mata
Mga ngiting di alintana
Hiling kong makita sana

Halimuyak na iyong dala
Sa akin ay nagpapangulila
Tamis ng iyong tinig
Labis kong iniibig

Giliw ako'y ilagay sa iyong isipan
Kaagapay sa kahirapan
Pagkat ikaw man ay lilisan
Magtatagpo pa rin kinabukasan

Isang banayad na panalangin
Aking laging sasambitin
Sa iyo'y ipagkaloob itong dinidingin
Wagas na pagmamahal ng Diyos na mahabagin

Kay Hesus aking sasambitin
Na ika'y lagi nyang mamahalin
Hihingin kay Birheng Maria
Na kailanma'y di ka mangulila

Sana'y lagi **** madama
Sa tuwing ika'y nag iisa
Yakap nilang kay Tamis at Ganda
Di mawawala itong pagsinta

Kailanma'y sa puso at diwa
Sumasaiyo itong magandang gunita
Cal Ashiq Jul 2022
Lugod akong nagtitiwala
Sa bawat yapak mo prinsesa
Wari mo'y ulap sa iyo'y nakayakap
Para sa pighati **** naranasan sa bawat pagsisikap

Halik na tila'y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Sa pisngi mo'y dadampi na walang kapantay
Pasakit ma'y puno sa nakaraa't kinabukasan
Ako sayo'y kailanman di lilisan

Umagang darating ma'y puno ng tagdilim
Kalangitan ma'y maging kulimlim
Sana'y wag na wag kang bibitiw
Pagka't bawat pighati'y lilipas aking giliw

Aking kama'y naririto
Kung kailangan ma'y sambitin mo
Dumaan ang panahon
Sa anumang pagkakataon

Sa isang tula ako'y nanalangin
Dasal kong ito'y sana'y dinggin
Sa iyo'y ipagkaloob nawa ng maykapal
Kay gandang paraisong puno ng pagmamahal

— The End —