Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"imbay" poems
Nakatawid na ang gabi sa umaga, Umuusad ang magdamag ng digma. Tahimik ang silahis na nakikiramdam Sa paghulagpos ng salimbayan Ng mga kulay na nagluwal ng dilim. Hudyat ang kindat ng kislap ng talim, Pagtitilad-tilarin sa pakikipagtalad Naglalagablab naming mga balak. Talampaka'y mangangahas sumampa, Sa binakuran **** pagsasamantala. Kabisado ng mga bisig kahit pa nakapikit, Imbay ng sandata naming karit. Matipid sa kilos, mabilis ang hagip Dinambong sa aming libong ektaryang langit, Babawiin, handa sa anumang kapalit, Karapatan, aming muli’t muling igigiit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:59 PM UTC
Pagbawi
Kasabay ng iyong pagpikit ay ang imbay ng aking katawan, pag-alon ng mga balikat at pagkibit. Kasabay ng iyong pagtalikod ay akma akong aapak at papalakpak, dahan-dahang papalapit sa entablado. Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin, pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid. Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo, ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot sa wari’y hindi mo masagot na tanong. At kasabay ng pagsasara nitong kurtina, ay ang paghinto sa pagpatak ng luha at ang ating maligayang paglaya. At kasabay ng pagdidilim nitong entablado ay ang kaliwanagan na di nahanap sa’yo at ang aking pagsuko para sa teatro. At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan at pagsalubong sa sarswela na naman.
0
Sep 29, 2024
Sep 29, 2024 at 3:43 PM UTC
Sa Sarswela
22 Ang unang pagsubok ay paligsahan Na susubok sa lakas at katatagan 23 Inihanda na ng mga binata Ang mga katawan nila 24 Nagbalu-baluktot, nagbanat-banat Nag-imbay-imbay, nag-inat-inat 25 Kapagdaka’y ipinagitna sa kanila Ang isang kahoy na lamesa 26 Inilapag nila rito Ang kanilang mga braso 27 Para sa pagbubunuan Ng mga kalamnan 28 Sa huli’y si Agus ang kinilala Bilang pinakamalakas na binata. -06/23/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:59 PM UTC
Daragus 4 -Unang Pagsubok sa Magiging Prinsipe-