Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Mga balang nagliliparan
Sa lahat ng panig nagpapalitan
Sa mga sandaling hindi mapigilan
Buhay ang binabayaran

Sigaw ng isa ay kalayaan
At ang kabila ay kayamanan
Sana'y mayroong hangganan
Hiling ng mga nasusugatan

Isusugal ang lahat upang makamit
Ang bagay na iginigiit
Nang puso na lahat ay ipagpapalit
Upang masumpungan ang mas lalo pang higit

Sa kalayaan ay walang pag-big
Dugo ang kanilang tubig
Armas ang kanilang bibig
Dahas ang nakasulat sa mga bisig

Ang pag kitil nga ba ang sagot
Sa lahat ng ating mga sigalot?
Tila ba lubusan nang nakalimot
At sa sanlibutan ay nagmistulang mga salot
-JGA
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.

— The End —