Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hulma" poems
mga tao sa kasalukuyan mga dayukdok sa kapayapaan pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan hatid na bigat ng ating kapaligiran oo, patuloy ang progreso nating mga tao taon-taon may mga bagong mapangusad na mga plano unti-unting nasasagot mga sigaw ng pagbabago ...kahit papano kahit gaano ito katagal lahat ng baraha para dito'y handang isugal pagkat lahat ng mga dumadaan na pagsusulit ang bawat paglagpas at wakas nama'y lubos ito na sulit sa ginagalawang mundo na abala sa munting paglabas, di na maiwasan ang pagalala bawat pilak parehong pang-hulma at resulta para sa mga gyera marami namang mas makahulugan pa upang igasta bilyon-bilyon na mga pera panloob na kapayapaan sa paghanap nito'y isang paghahanap sa karagatan lumulutang lamang ay katanungan kung ito'y katotohanan o isang kasinungalingan makakamit ba hangga't may natatapakan o madadama lamang ba pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian sumisikip, napupuno mga kulungan sumasagitsit ang mga bulong-bulungan kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan humihinga pa aking paniniwala sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala pagkat hindi pa ito ating wakas patuloy mabubuhay ang pagasa hangga't may nabubuhay na umaasa simulan sa sarili, wag sa iba i-asa pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa di kahinaan ang pagtakas minsa'y kinakailangan din nating maghilom, kumalas sa mapangwasak na mundo, patunayang ika'y mas malakas hindi upang ipakita'y pagkamanhid kundi magkaroon ng sapat na lakas upang kayanin pang hatakin sarili't ibang tao pataas
0
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 1:32 PM UTC
panloob na kapayapaan

Continue reading...
56
Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Hindi pa man nakikita ng mga magulang mo ang mukha mo, alam niya na. Hindi pa nila alam ang ipapangalan sayo, kung babae ka o lalaki, pero siya, kabisado na niya. Kabisado niya, ang hulma sa mga mukha mo lalo na kapag tumatawa ka. Ngunit ang pinaka ayaw niya, ay ang hulma sa iyong mukha kapag umiiyak ka. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Napagtagpi-tagpi na niya ang storya mo. Alam niya, kung ilang beses kang maliligaw sa landas mo. Pero babalik ka, babalik ka sa kung kanino ka talaga nakalaan at yun ay sakanya. Hindi man magiging madali ang lahat ng ito para saiyo, pero nandiyan lamang siya, sasamahan ka. Hinding hindi ka niya iiwan, kahit minsang inisip **** tumalikod sakanya. Nandiyan lang siya. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Alam niya kung kailan bibilis ang tibok ng puso mo. Pag kinakabahan ka, pag sobrang saya mo, o kaya pag nagagalit kana. Alam niya kung kailan parang hihina ang tibok nito. Dahil sa mensaheng natanggap mo na nagdulot ng lungkot at takot para sayo. Alam niya ang lahat ng ito. Alam niya rin kung kailan titigil ang tibok ng puso mo. Pag tapos na ang lahat, kapag natapos na ninyo ng sabay ang storya ng buhay mo. Titigil na ito. Pabagal ... ng pabagal ... hanggang sa mawala ito. At sa pagkakataon na iyon, babalik ka sa piling niya. Kung saan unang beses niyang inilahad ang katauhan mo. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilala ka na niya. Kaya magtiwala ka sakaniya. Dahil hindi ka niya hahayang mawala sa paningin niya. Sa oras na piliin **** makilala siya. Noong unang beses na tumibok ang puso mo, kilalang kilala ka na niya. Isa siya sa mga nakatitig saiyo. Kasama ang mga ngiti sakaniyang mga labi, kasama ang pusong tuwang tuwa, dahil sa kaniyang nakita. Una palang, kilala ka na niya. Ramdam na niya na darating ka. Kaya ikaw, nandito ka, dahil dumating na ang panahon na kikilalanin mo siya. At Siya si Hesus, na namatay sa krus, para sayo, at para rin saakin. Kilala ka niya
0
May 17, 2020
May 17, 2020 at 8:30 AM UTC
Kilala ka niya

8
Sobra kung sobra, Pero para sa akin ay isa kang obra maestra.... Pinag isipan At pinag hirapan, Bawat hulma mo’y wangis ay kagandahan.... Ikaw ay dyosa sa aking paningin, Halimuyak **** hatid, halimuyak na hina hatid ng hangin.... Hangin na humahaplos sa aking puso, Hangin na nag hatid sa’kin, sa ating paraiso... Paraiso na tayo Lang ang may alam, Paraiso na likha mo, paraiso na aking ina asam asam... Duon ay tayo lang ang mag kasama, Tayo lang “sana”, ok lang po basta wag lang ma coma... Makalimutan ang aking Gustong tukuyin, Ala ala’y wag sanang tangayin ng agos ng hangin.... Ma iksi pero masasayang ala ala, Habang naka tingin sa iyong magagandang mga mata... Mata na kasing Ganda ng mga tala... Tala na nag bibigay sa akin ng saya, Saya na nararamdaman kapag ka piling ka.... Wag ka na sanang lumisan pa sinta...
0
Dec 7, 2018
Dec 7, 2018 at 1:47 PM UTC
Dyosa sa paraiso
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 5:00 PM UTC
Untitled