Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Ang awit ay sa mahal na **** inialay
Ang pagbubuwis ng buhay
Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala
Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman

Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban
Tinabas ng kahihiyan
Wala ng kaibigan
Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan
Habang nakadipa nagsalita,
tanggapin ang kabiguan

Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo
Maraming aglahi humabi ng lampin
Higaan ng peto angkin
ang samut saring pintas

Ang huni ay haluyhoy
ng ibon na nagsusumamo sa sanga
Yumuko dahil sa nahinuha
tungkol sa kaligiran na ginagalawan
Ipinarinig ang kanta

Palawigin ang pag-inog
Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon
Tila balahibong dinuyan ng hangin
na umiilanglang hanggang sa magsawa
inggo Nov 2015
Hindi na ako natuto
Palagi akong nahuhulog sa mga patibong mo
Minsan ako'y tutulungan
Minsan ay hahayaan

Para kang isang elevator
Dadalhin mo ako sa 9th floor
Tapos iiwan mo ako doon
Pero sana babalik ka sa isang pindot lang ng button

Ang gulo-gulo na ng aking isip
Turing mo sakin ay pabago bago kaya ang puso ko'y pagal
Ilang beses mo na din akong iwanan sa taas
Pero nahuhulog pa rin ako sayo dahil sa dagsin ng aking pagmamahal

Ikaw yung paborito kong patibong
Kahit nasasaktan ako gusto pa din kitang makasalubong
Para sa kaibigan na nasasaktan, napapagod
Donward Bughaw Apr 2019
Anong tapang
mayroon ka
at kayang pumaslang
ng lamok—
mahihilo,

malalagpak sa lapag
na para bang
hinihila
ng dagsin pabagsak—
sa loob ng aking
magulong kuwarto.
Ang katol ay nakakapatay ng lamok. Tunay, nang mapatunayan ko ito isang gabi habang pinapanood ang umuusok na sinindihang piraso ng katol. Iilang lamok din ang nakita kong animo'y nahihilo matapos maamoy ang matapang na amoy nito.

— The End —