Kasabay nang pagihip ng hangin,
Nalagutan siya ng hininga,
Sa isang dalampasigan mula sa kanyang guni guni,
Sila muling nagkita,
Bibigkasin sana ng mga bibig na tumikom,
Ang mga salitang sa unan na lamang naibubulong,
Ngunit isinantabi na lamang,
Nilunok ang lahat,
Tinalukuran,
Tinakbuhan,
Ang mga nakaraang tapos na't di na kailangan pang balikan,
Na minsan kang naging akin,
Minsan akong naging iyo,
Ang diwa nati'y pinagdugtong ng mga labing itinikom,
Kahit sa mundong gawa gawa na lamang para sa aking sarili,
Hindi ko parin makita,
Hindi ko parin mahanap,
Di ko parin mailabas,
Ang mga salitang sana'y minsan kong sinabi.