Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Oras,simpling Salita lang pero ang laking bagay sa buhay ng tao,Lalo na sa buhay mo.
kapag marunong ka ng magbasa ng Oras,don mo malalaman na sobrang halaga pala nito sa buhay mo.
kasi nong musmus ka palang,d mo pa alam ang salitang Oras.
Kaya wala kang pakialam kung tumatakbo ang mga kamay nito sa orasan nyo.ang mahalaga lang sayo maglaro,kumain,matulog,maligo sa ulan,maligo sa ilog,makipaghabolan sa mga kalaro at umakyat sa puno ng bayabas.
Ngunit ngayong alam mo na ang Oras at napagtanto mo na sobrang halaga pala nito.kaya bawat sigundo hinahabol at pinapahalagahan mo na,halos wala ka ng maitira sa sarili mo kasi naibubuhos mo na lahat ng oras at panahon mo sa kakahabol sa mga nais mo.
Tipong Kape na lng ang pahinga mo pero tuloy parin ang pagkilos ng kamay mo, tulad ng sa Orasan.wala din tigil ang pag-ikot nito,tuloy-tuloy lang.paulit ulit lang.parang ikaw.paulit ulit lang din ang takbo ng buhay mo.tulog-bangon-trabaho.araw-araw ganito lagi.
dahil ayaw **** masayang yung mga oras n dumadaan sa buhay mo.
paano nga ba papahintuin ang oras para makapagpahinga naman sa araw araw na pare-pareho lang ang takbo?
Pwede kayang bumalik na lang sa pagiging musmus na walang alam sa takbo ng Oras,para naman makatulog ulit ng mahaba at gigising ng walang iisiping bayarin at suliranin.
Pag natutunan mo na ang pagbabasa  sa kamay ng Orasan,magiging abala ka na sa buhay mo.

— The End —