Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"alimuom" poems
kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO " sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang 1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth) 5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan! 1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
~lakbay-diwa~
may saboy ang liyab kapag naidadarang,, sa simoy at alimuom na di pahaharang,, anumang sisidlan,,tining ay iindayog kapag umaapaw. gaano man kalalim hukay,,pagtapak sa lapag mababaw. ""basura man nga sa paningin meron din namang saloobin bakit di kaya minsan ay buklatin marahang hagurin bago simsimin ....."" yaong dapat ay apat,sa unang saknong nakasiwalat tila bugtong-dugtong,pawang sa sahig ay nag-kalat wag mabahala sa bawat isang paglamukos na tapon may gantimpala sa bawat nakakuyumos na hamon ! huling bilang panlima,,,,,  lambing ang hiling  kaya 'wag iiling! sa bawat nilalaman ng kuyumpit na papel minsan ay itinuring. sa aking pagbabalik,ako'y nasasabik at di na nga nagpatumpik-tumpik siphayo,simbuyo at silakbo!Ang mga ito'y bunga ng higit pa sa isang halik
0
Nov 14, 2015
Nov 14, 2015 at 1:29 AM UTC
" KONTENTO "
Nandito ako sa kabilang panig Nagaantay na muling marinig ang mga tinig  na nawala Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha Sa kabilang panig nagbibilang ng mga araw sadyang kay tagal muling pagkikita, nag-aabang Muling pagsasama, nahihibang Paano ba hahanapin ang kahapon Naibaon sa sadlak ng alimuom Dumidikit sa kailaliman ng ilong Ang alaalang hindi maitapon Parang labadang hindi tinuyo ng sinag ng araw, nakulob Sa loob ng damdamin nagkukumahog Naghihikahos, nabuburyong Minsan pang ibalik, alaala lagusan ng saya ata kaba Kelan ka kaya makikita.
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 3:17 AM UTC
Wait
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman. samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan... at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay. Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw. Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan. Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman, Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam ! Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos. Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang... Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang, Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga.. Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog Sukdol Nga Ba O Sakdal Kung Dumatal At Kumintal Ang Alimpuyo't Tagtuyot Sa Panahon Ng Tagdahon At Sa Di Kalayoan Akin Ngang Naulinigan Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan Kung Saan Ang Aking Katayoan Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan... Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
0
Mar 22, 2022
Mar 22, 2022 at 10:42 PM UTC
" kapag natuyo ang ilog...hintayin mo ang mga ulap "