Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2017 · 1.1k
Tila
Badud Oct 2017
Patapos na ang ulan
Na tila isang luhang di mapigilan
Umagos nang di namalayan
Tumila na din
Tumahan din

Yung bigat ng ulap
Na antagal din binuhat
Na kusa na lang nalaglag
Yung dating pangarap

Pero tila na
Tapos na
Bawat patak
Pangako at pangarap
Nahuhulog mula sa taas
Isa isang tumatakas

Pero bawat pagbitaw
Ng kada pirasong ulan
Pilit ko mang pigilan pero
Unti-unting gumagaan
Oct 2017 · 1.0k
Salubong
Badud Oct 2017
Paano kung magkita tayo
Nang di naman natin pinaplano
Ano kayang sasabihin mo
O iiwasan mo ba ako

Paano kung magkunwari
Tumingin sa malayo at magkubli
Sa likod ng mga taong nagpapanggap
Sa likod ng mga matang naghahanap

Pero paano kung tawagin kita
Magugulat ka kaya
Kung marinig mo
Yung dating tawag ko sayo

Pero hindi pala ikaw yung nakita ko
Yan lang yung nabuo sa isip ko
Paano kung isang araw nakatayo ka na sa harap ko
Maririnig ko kayang muli yung mga salitang nagpatibok sa puso ko.
Sep 2017 · 1.1k
Wakas
Badud Sep 2017
Panahon na noo'y kaibigan lang ang pagtitinginan
Nasundan ng di inaasahang pagiibigan
At doon sa mundo nating binuo na puno ng paruparo
Doon tayo naglalaro at humihinto ang oras na ginto

Pero ano na tong nangyari?
Di ka na kagaya ng dati
Ako lang ba itong nahihirapan
Mahal kita kaya ako lumalaban

Kahit di mo man sabihin
Nararamdaman ko naman
Kahit di mo man aminin
Maiintindihan ko naman
Kayat sabihin mo na lang
Ng matapos na ang nasimulan
Ayoko na kasi nitong
Nararamadaman

Ngayo'y ako na lang
Ang naiwan sa mundo
Nating ginalawan
Iiwan ko na din ito
Para simulan ang sumaya
Na ako lang

Salamat sa nangyari
Di ko nagawa lahat dati
Bigyan ng oras ang sarili
Mabuhay ng walang pagsisisi
Sep 2017 · 1.2k
U-turn
Badud Sep 2017
Hayaan na lang nating matunaw ang tula,
Na hindi nabigkas sa dulo ng dila,
Lipadin na lang ng hangin ang mga letra't salita,
Hindi din naman pakikingan, mabuti pang mawala.

Hayaan na lang nating kalimutang bigla,
Ang pasuyong nakalaan sana sayo,
Isabay na lang sa pag takbo ng mundo,
Sa kanan ka, sa kaliwa ako.
Sep 2017 · 905
Tara
Badud Sep 2017
Samahan mo akong balikan
Ang lugar na satin lang
Kung saan nagtagpo
Ang panaginip
   --at ikaw

Na doo'y naghalo
Ang liwanag at dilim
Ang lungkot at saya
Na ating pinaghatian
Nangako kang ika'y
Sa'kin lang

Samahan mo akong balikan
Mga bituin sa kalawakan
Kung saan namalagi
Ang pangako
   --at ikaw

Na doo’y ako lang
Sa’yong tabi, walang hadlang
Sikretong lugar
Na satin lang
Walang kahati
--Ako'y sayo lang

— The End —