Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Taltoy Oct 2017
Simple at walang iba,
Kahuluga't salita,
Hindi kailangang mahaba,
Payak, nauunawa.
Taltoy Sep 2017
Nanlilisik, papatay,
Kikitilin 'yong buhay,
Sinasalamin, galit,
At suklam na kay pait.
Taltoy Sep 2017
Walang ni isang laman,
Di mailalarawan,
'toy walang kaisipan,
Lihim ang kabuluhan.
Taltoy Sep 2017
Balot ng kadiliman,
Puno, katahimikan,
Walang kaligayahan,
Lungkot nasa isipan.
Taltoy Sep 2017
Ang ipinagbabawal,
Bisyong di na matanggal,
Ika'y mapapamahal,
Sisikaping tumagal.
Taltoy Sep 2017
Ika'y ibibilanggo,
Babaliin 'yong buto,
Hanggang di makatayo,
Hanggang di makalayo.
Taltoy Sep 2017
Isang bagong umpisa,
Isang bagong pahina,
Storya, pagsisimula,
Ang unang kabanata.
Taltoy Sep 2017
Bawat luhang pumatak,
Dinanas nakatatak,
Upang tumugma, alak,
Sasabay sa 'yong indak.
Taltoy Sep 2017
Tula, isang salamin,
Salamin ng damdamin,
Pighati't mga sakit,
Kaligayaha't kilig.
Taltoy Apr 2017
I tried, but I failed,
I did my best, thought it's not enough,
I'm determined, yet I bailed,
I said I'm okay, but it's a bluff.

I thought I could handle it,
But it's just in my mind,
I thought  I reached my limit,
Without a reason I can find.

I wish this would be the last,
Leaving my frustrations and regrets,
I wanna get over this fast,
Learning from it, aiming for a blast.
Just thought of something random.
Taltoy Aug 2017
Tila ilog na walang katapusan,
Ang mga emosyong aking nararamdaman,
Walang preno, walang busina,
Walang tigil sa pag-agos ng malaya.

Akala ko'y walang humpay,
'tong mga pinanghuhugutan sa buhay,
Ang halos lahat ay may hangganan,
Ang mga bagay nga pala'y may katapusan.

Sabihin mang ako'y makata,
Isang manununula,
Manunula kasama ang kanyang pluma,
Ngunit pluma nya'y wala nang tinta.

Tila ba binaon sa nakaraan,
Ang minsang nakahiligan,
Pilitin ma'y walang maisulat,
'tong makatang naging salat.

Iyon ay kanyang alaala,
Naiisip sa bawat pagbasa,
Ng mga tulang sya din ang gumawa,
Mga tulang di nya na ngayon magawa.
Taltoy Sep 2018
Tunog ng 'a' at 'b',
Tunog ng lungkot at ligaya,
Tunog ng iyak at mga tawa,
Mga tunog, di nagkakatugma.

Masaya, malungkot,
Di alam kung ano ang aking kumot,
Mamayang gabi, bukas ng gabi,
Ano kaya ang kumot sa mga gabing di ka katabi.

Di nagkakatugma,
Ikaw, ako, tayong dalawa,
Tayong dalawa ba'y nawawala,
Hinahanap ang bawat isa.
Taltoy Jul 2017
Ang lahat ay may umpisa,
Ang lahat ay may pinagmulan,
Kalungkutan man o ligaya,
Ang maaaring kahahantungan.

Sa bawat pagsubok na haharapin,
Tagumpay o kabiguan ang aabutin,
Ito'y pagsisikapan,
Kahit sakit man ay umulan.

Pero lahat ay gagawin,
Hanggang sa kayang abutin,
Hanggang sa huling patak ng dugo,
Ibubuhos hanggang sa huling yugto.

Tatanggapin ang kalalabasan,
Tatanggapin kahit ano man yan,
Kahit masaktan man,
Tatanggapin ng aking kalooban.

Dahil ito ang aking destinasyon,
Sa byahe ko kasama ka,
Sa panahong nakasama ka,
Ngayon, ang oras ko para bumaba.

Salamat aking sinta,
Salamat sa ligayang iyong dala,
Salamat, kahit ito'y panandalian,
Maraming salamat, aking kaibigan.

Ang kwentong di natin inakala,
Ay nasa huli na palang kabanata,
O kay rami kong natutunan,
Mula sa mga bagay na nagdaan.

Ito'y aking kayamanan,
Umabot man ang katandaan,
Itong karanasan,
Di matatanggal sa isipan.

Heto na ang huling pahina,
Huling pahina ng ating kabanata,
Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas,
Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas.

Ang kalatas ng aking paghanga.
Ito ang sa tingin ko'y huli na, para sa'yo aking sinta, bilang iyong tagahanga.
Taltoy May 2017
O kay lungkot,
Nakapagpapasimangot,
Ang dala nitong lamig,
Kung dumampi sa'king mga bibig.

Kasabay ang pagdaloy,
Ng mga luha sa mata ko nang tuloy-tuloy,
Walang tigil, walang humpay,
Sa bugso ng kalooban, tila sumabay.

O, bakit huminto?
Bakit huminto itong naturang bugso?
O ulan, ba't di ka nagtagal,
Iniwan mo ba ako dahil di mo ako mahal?
Taltoy May 2020
damdaming 'di maipinta,
'di mailarawan sa isang blangkong lona,
samu't-saring emosyon,
walang katumbas na reaksyon.

pabalat ay natumbok na,
heto, magtatapos na,
ang tayong dalawa,
ang binuo nating istorya.

sa kabila ng lahat ako'y masaya,
lalo na sa mga mapapait na alaala,
dahil sa mga aral na napulot mula sa kanila,
isang yamang sa aki'y walang makakakuha.

sana'y mahanap mo ang iyong kasiyahan,
ang sayo'y magmamahal hanggang katapusan,
dahil kahit wala na tayong dalawa,
minamahal pa rin kita.
kung tayo talaga sa huli, tayo talaga
Taltoy Nov 2019
Di naman masama,
Ang mga pinagdaanan,
Sana kahit papaano,
Kahit papaano ika'aking napasaya.
Haaaays,  nakakalungkot isipin,
Na heto na, umabot na sa puntong,
Tila bibigay na tayong dalawa.
Wala naman tayong magagawa,
Kung di na nga talaga natin kaya.
Para saan pa nga ba't naging tayo,
Kung di naman natin mahal ang isa't-isa.
Tinanong ko ang aking sarili,
Kung bibitawan na ba kita,
Sabi ko,  di ko alam,
Hanggang ngayon ako'y naguguluhan,
Baka nga para sa ikabubuti nating dalawa,
Kaya, kaya,  kaya ika'y palihim nalang na mamahalin aking sinta,
Subalit sa puntong ito,  
Paalam sa "tayo" nating dalawa.
Subalit hiling kong sana ito'y panaginip nalang at kinabukasan ay ibabaon na lamang sa alaala.
Taltoy May 2017
Sapagkat ako'y bigo,
Bigo na mailarawan ng buo,
Di ko alam kung paano,
Sa palagay ko'y di tama ang masasabi ko.

Sabihin mo mang ako'y nagbibiro,
Sa kasamaang palad, ika'y mabibigo,
Dahil wala akong balak magpatawa,
Nasa tamang katinuan, alam ang tama.

Talagang may nagbago,
At namangha ako,
Alam na kong meron nga talaga,
Ngunit bakit huli na nang aking nakita?

Ako ba noo'y nakapikit?
Di ba kita natitigan kahit saglit?
Nasa ibang mundo ba ako?
Noong mga taong nagkasama tayo.

Bakit di ko agad napansin,
Kaya ngayon, di ko akalain,
Ang paglitaw ng iyong ganda,
Ginulantang ang aking mga mata.
A weird confession
Taltoy Jun 2018
Sa lumbay at lungkot,
Sa mga panahong nababalot ng poot,
Sa mga panahong tahimik ang 'king mundo,
Sa mga panahong malalim ang iniisip ko.

Hinahanap-hanap ka,
Sa iyong mga piyesa,
Ngunit hindi ko na mahagilap,
Mga tulang sa akin unang yumakap.

Yakap na kay sarap,
Yakap na hinahanap-hanap,
Yakap na puno ng kalinga,
Yakap na sa aki'y nagpadama.

Bakit, bakit nawala?
Sa isang iglap, bigla-bigla,
Anong nangyari?
Sa manunulat na sa aki'y natatangi.

Sanay maabot ng aking mga salita,
Maging tulay ang aking mga tula,
At sa iyong lumbay, madama sana ang kalinga ko,
Dahil ako naman ang yayakap sa'yo.
:(
You
Taltoy Apr 2017
You
So simple, so free,
Rare, extraordinary,
The one and only.
A Haiku

— The End —