Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Baket ka naninimdim? Masakit na ba?
Baket ka malungkot? Nahihirapan kna ba?
Baket ka lumuluha? Pag asa ba'y ubos na?
Bket ka umiiyak? Ikaw ba'y susuko na?

Ika nga nila OKAY LANG YAN.
Buhay ka pa kaya ka nsasaktan
Buhay ka pa kaya ka nhihirapan
Ngunit alam mo na ito'y may kapalit na kagalakan

Ang lungkot ay parte na ng ating buhay
Na kung minsa'y nakapanlulupaypay
Ni Hindi mo alam kung saan nagmumula
Iisiping paano Ito nagsimula

Ngunit sasabihin ko Rin sayo,

Masaya lang ang salitang makakapag paliwanag ng kaligayahan
Masaya rin ang may kakakayahan makapagtago ng iyong nrarAmdaman,
Piliin mo maging masaya sa kabila ng iyong nararanasan
Piliin **** magalak khet ikay nahihirapan

Sapagkat  sa paraang masaya makakalimutan mo ang lahat
Sa paraang masaya madali lang ang lahat
Wag kang mawalan ng pag asa kung ika'y nagigising pa sa umaga
Sapagkat lakas ng loob sayo'y alam kong mahalaga

Dahil Sa panahon ngayon?

Sarili mo lang ang iyong maasahan
Sarili mo lang ang iyong matatakbuhan
Sarili mo lang ang iyong kaagapay
Hanggang sa iyong tagumpay

Kaya Ikaw! Oo ikaw!
Piliin mo maging masaya kahet masakit
Piliin mo magalak kahet mahirap
Piliin mo ang sarili mo sa kabila ng lahat.
Walang ibang tutulong sayo kundi IKAW MISMO.
Trying to avoid sadness

— The End —