Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Elmo Cross Jun 7
Kung ako ba ay aamin
Ikaw ba ay mapapasaakin?
Kung ako ba ay magbubukas ng aking loob
Ako ba ay iyong tatanggapin

O aking mahal ako ay natatakot
Na baka kapag ako ay umamin
Ay baka iyong malimot
Ang pagiging magkaibigan natin

Sa totoo lang ay ayokong iyong malaman
Na mahal na mahal kita
Dahil ayokong masira ang ating pagkakaibigan
Dumistansya ka ay ayokong makita

Mabuti pa na maging magkaibigan na lang muna
Hanggang sa kung kailan gusto ng Diyos
Na may umamin ng una
At maglahad ng ating nararamdaman

Sana dumating ang panahon na iyon
Kung saan ako ay pwede na umamin at ikaw ay pwede pa
Dahil hanggang sa oras na iyon pakatatandaan mo
Na ikaw lang ang aking minahal at wala ng iba
Minsan takot tayo umamin kasi ayaw natin may magbago sa ating dalawa. Kung kaya't mas pinabuti na lang na magkaibigan na lang muna tayo.

— The End —