Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nag-init ang tubig, tulad ng titig mo,
Tahimik ang tasa, pero puno ng gulo.
Bawat halo ng asukal, lihim kong hiling—
Sana sa'kin ka matunaw, kahit 'di mo pansin.

Sa bawat sangkap, may pa-kiliti,
Kape't puso, parehong may landi.
Di ko sinadyang gawing espesyal,
Pero bakit sa'yo, gusto kong maging tapat at ilegal?

Ako'y nagtimpla, ikaw sa isip,
Pero ako ang sumarap—’di ko na madeny.
Sa simpleng pagdampi ng labi sa tasa,
May lihim akong dasal na sana'y magtagal pa.

‘Di ako para gisingin lang sa umaga,
Ako yung tipo na hinihintay sa gabi.
Tahimik, mainit, matapang kung kailangan—
Pero laging handang lambingin kung ikaw ang dahilan.

At kung sakaling malasahan mo ‘ko sa pagitan ng sipsip at buntong-hininga,
Sana maramdaman mo—hindi lang kape ang naghihintay sa’yo,
kundi ako rin…
paunti-unting nalulusaw, para sa’yo.

— The End —