Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig.
Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat.
Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta.
Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin.
Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi.
Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina.
Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan.
Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat.
Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad.
Ang pagwawagi ay bihira lamang.
Laban lang!