Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Aug 2015 · 1.1k
Sa Supremo
Stum Casia Aug 2015
Mga hangal silang nag-aabang.

Kamamatayan na nila ang daang taong paghihintay
sa katapusan
ng sinimulan **** rebolusyon.

Hindi na ito darating.
Aug 2015 · 11.8k
Maganda Ka Pa Rin, Kasama
Stum Casia Aug 2015
Maganda ka pa rin.
Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin
at pilas ang maganda **** pisngi.
Maganda ka pa rin.
Kahit hirap na kitang makilala.
Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin.
Maganda ka pa rin, aking asawa.
Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin,
mahal kong asawa.

Bigla ko tuloy naaalala,
noong hindi pa tayo magkakilala.
Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo.
Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner.
Parang stalker. Tinitignan kita.

Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan
nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime.
Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig,
At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA.

Pero, mahal na kasama, ngayong gabi,
ibig sana kitang sarilinin.
Tayo lang sana ng mga anak natin.
Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin?
Pwede bang dito ka muna sa amin?

Oo, alam ko,
di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado.
Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama.

Kaya't kasama nila,
bubuhayin ko ang iyong alaala.
Bubuhayin namin ang iyong mga alaala.

Ang huling araw na ikaw ay nakasama.
Ang huling text message na iyong pinadala.

Ang iyong mga aral at mga hamon.
At batid naming lahat saan ka man naroroon.
Tiyak namin san ka man naroroon.

Tumatawa ka nang malakas,
tinatawanan mo ang mga ungas.
Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila.
Nabigo silang ika'y patahimikin.
Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain.
Akala nila nagwakas,
Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas.
At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas.
I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
Stum Casia Aug 2015
Ok, Sinabi ko na
na kung kinalimutan mo ako.
Kung kakalimutan mo ako. Kung nawala ako sa isip mo.

Hindi na kita patutuntungin kahit sa door mat ng kamalayan ko.

Ok, ang nasabi ko ay nasabi ko na.

Pero ang nakakainis
At nakakatawa, bakit sinisilip pa rin kita
mula sa maliit na siwang ng bintanang
sinadya kong iniwang bukas para makahinga.

Ok,
Kung kinalimutan mo na ako at tuluyang nawala sa sa isip mo,
Ok,
Kung nakatulog kang hindi man lang naalala
ang pangalan ko. Huwag na huwag mo na akong hanapin

Tuluyan mo nang alisin ako sa isip mo

dahil hindi lang ako naka-invi. Nag-logout na ako.

At nagbubuklat ng dictionary.
Sinusubukang tagalugin ang tula ni Pablo Neruda.
Pero habang hindi ko pa nahahanap ang mga tamang salita.
Habang hindi ko pa natutumbasan ng mga tamang kataga
hayaan **** basahin ko muna
nang mahina.

"I want you to know one thing.

You know how this is:  if I look  at the crystal moon, at the red branch  of the slow autumn at my window,  if I touch  near the fire  the impalpable ash  or the wrinkled body of the log,  everything carries me to you,  as if everything that exists,  aromas, light, metals,  were little boats  that sail  toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,  if little by little you stop loving me  I shall stop loving you little by little.

If suddenly  you forget me  do not look for me,  for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,  the wind of banners  that passes through my life,  and you decide  to leave me at the shore  of the heart where I have roots,  remember  that on that day,  at that hour,  I shall lift my arms  and my roots will set off  to seek another land.

But  if each day,  each hour,  you feel that you are destined for me  with implacable sweetness,  if each day a flower  climbs up to your lips to seek me,  ah my love, ah my own,  in me all that fire is repeated,  in me nothing is extinguished or forgotten,  my love feeds on your love, beloved,  and as long as you live it will be in your arms  without leaving mine."
Aug 2015 · 608
DON MARIANO
Stum Casia Aug 2015
Nakalatag sa kalsada
ang mga bangkay. Hindi
pantay-pantay.

Mga diyaryong nakatingala sa langit.

Wala silang mga pangalan sa
mga dumaraan;
maliban sa nakadapang pulang bus-

si Don Mariano.
Aug 2015 · 4.7k
ENDO
Stum Casia Aug 2015
Bilang na ang aking maliligayang araw.
dalawa na lang. Kung isasama yung pangakong panlilibre ng lomi
ng mga kasamahan sa pabrika sa unang restday matapos ang endo-
tatlo. At ganito pala ang feeling ng may taning.
Para kang nasa nilulumot na aquarium na walang oxygen
at goldfish kang kasama ng dalawang golden arowana.
Hindi ka makahinga.
Sa a kinse, matuloy man o hindi ang balitang super-bagyo
Tapos na ang limang buwang kontrata.

Matatapos na rin ba ang hindi naumpisahang pagsinta?
Tulad ng paghahanap ng mga skater sa kanilang skate park,
matatagpuan ko rin ba ang lakas loob at habambuhay na hindi na?

Kaya naman kaninang tanghalian, wala akong kwentong maihain sa iyo.
Parang habambuhay ko ngang uubusin yung inorder kong BBQ
kanin at RC.
Paano ko ba sasabihing baka isa na ito sa huling dalawang tanghalian na sabay tayong kakain?
Paano ko ba sasabihin na sa maraming pagkakataon na sabay tayong kumakain,
nagtitipid ako at hindi naman talaga ako nagugutom.
Gusto lang kita makasama kasi parang gusto na kita.
Pero tulad ng inililihim kong pagtatapos ng aking kontrata

Hindi mo alam.

Hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit masarap ang simoy ng hangin sa loob ng pabrika
kahit wala naman talagang bintana at inuubong industrial fan lang ang meron tayo.
Hindi mo alam kung anong kapanatagang nararamdaman ko
tuwing sinasabihan mo akong mag-iingat ako
tuwing uwian kahit ang totoo, hindi natin kakilala ang kaligtasan
at kapanatagan sa pabrikang walang fire exit
at benefits.

Yun talaga yun, hindi mo alam.
Pero alam mo naman sigurong salot talaga ang kontraktwalisasyon?

At maramot talaga sa mga lovestory nating mga below-minimum-wage-earners
at contractual workers ang sistema ng paggawa sa Pilipinas.
Sa mga susunod na bukas, ikaw naman ang mag-e-endo.
Baka mapunta ka sa Savemore na tadtad din ng kontraktwal.
At masnatch ang numero mo at hindi na kita matatawagan.
At ako, baka sa hirap humanap ng trabaho maisangla ko ang aking telepono.
At isang monumentong singlaki ng Mall of Asia ang itatayo sa pagitan nating dalawa.

Kasalanan ito ni Ernesto Hererra.
Stum Casia Aug 2015
Kalong ng kanyang ina
ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo.

Basang-basa.

Nangingitim ang mukha at di na humihinga.

Patay na yata.

Nakuryente siya
habang ini-aakyat ang black and white
na telebisyong kasasangla lang
ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH-
sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan.

May bagyo noon. Super.

At umapaw ang ilog.

Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon.

Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas
ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw
ang daan papuntang evacuation center.

Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra.

Kalong niya ang kanyang binatilyong
pangarap mag-aral sa Maynila-

na kanya ngayong ipinagluluksa.

Sa Maynila,

sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan,

nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons.

Alas dose.
Cut ang klase.

#WalangPasok.
Aug 2015 · 6.1k
SIGURO, HINDI KO SIGURADO
Stum Casia Aug 2015
Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
tatlo ang maglalakad nang napakalayo,
mula pinakamasikip na eskinita sa Valenzuela
hanggang pabrika para makatipid sa tricycle.

Sayang din kasi.

Dalawa siguro sa tatlong yun, babae,
may tig-isang anak na dumedede pa
at hindi pa talaga maiwan pero kailangan nang iwanan
kahit mahigpit ang pagkakakapit sa tuwing paalamanan
dahil mas mahigpit ang pangangailangan.

Sa sampung rin sigurong manggagawa ng Kentex
siyam yung nagbabaon ng kaning tinipid nung hapunan
at ulam para hindi na bumili sa kainan.
Yung isa siguro kakain na lang ng biskwit at tubig.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
siyam yung hindi na magbebreaktime para magmeryenda.
Sayang ang bawat minutong titigil sa paggawa ng tsinelas,
baka hindi umabot sa quota, baka mawalan ng trabaho bukas.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
dalawa lang ang nagpapansinan sa oras ng trabaho-
yung magkaedad at magkatabi.
Sayang ang bawat minutong tatakas ang atensyon
sa ginagawa, baka mareject ang gawa, baka tuluyan nang tumunganga.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung hindi pa nakaranas ng fire drill.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung walang benepisyo.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung mababa ang sweldo.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa yung inaasahan ng pamilya.

Sa sampu sigurong manggagawa ng Kentex
labing-isa ang hindi mo kilala
kaya wala kang pakialam
mabigyan man sila o hindi ng hustisya.
Aug 2015 · 1.6k
AT LEAST
Stum Casia Aug 2015
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least.
At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat.
At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge.
At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue

makita lang sila.

At least buhay sila-

nakakulong nga lang,
may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang,

nakakabingi ang inyong mga at least.
Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan.

Parang gabundok na labahing poproblemahin.
Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin.

Parang masikip na brief at basang medyas.

It *****.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip.
Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really *****.

Bakit naman kaya ako makukuntentong-
at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang
ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?
Aug 2015 · 1.9k
PALAKPAKAN
Stum Casia Aug 2015
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex.
May pabuyang naghihintay
sa mapuputulan ng kamay
kakapalakpak kahit palpak at sablay.  
Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang  ibabandila.
Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo,
wawalisin na lang ito mamaya
o bukas kapag iba na ang usong balita.  
Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan.

Madulas kayong lahat sa nasayang na laway.
Naghahanap ng away ang hindi pupuri.
Ang hindi sasamba.

Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan
pagugulungin sa labas ng bulwagan.
Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat.  
Kaya’t huwag itong iladlad.
Huwag itong itambad.

Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad.

Ibibilad kayong mga bastos.
Iiwas sila sa pakikipagtuos,

dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang
huwag sumali sa paligsahan.

Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.

— The End —