Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Cal Ashiq  Feb 2017
Pag-ibig
Cal Ashiq Feb 2017
Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito'y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito'y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon
Sadyang nakakabighani na parang bahaghari
Ito'y walang sinumang pinipili

Ito'y sinang ng tala sa gabing madilim
Liwanag ng buwan sa kalangitang kulimlim
Pagmamahal na sadyang kay tamis
Damdaming hindi mo matitiis

Ito'y rosas na bumubukadkad
Wari mo'y ibon na lumilipad
Sadyang kay ganda magmahal
Pag-ibig na kailanmay magtatagal
unnamed May 2017
Ito na nga ba ang huli
Mapuputol na ba ang tali
na naguugnay sating mali
Pwede bang maulit pang muli?

Ang hirap matanggap
Mas lalong mahirap magpanggap
Kahit anong takip halata pading hirap
Ang mga sakit di ko na kaya pang humarap

Humarap sa laro ng panahon at tadhana
Nagtulong pa silang dalawa para sakin ipadama
Ang sakit na tuwing ako ay madarapa
Sugat mula tuhod tagos hanggang kaluluwa

Malalim pa sa malalim ang iiwanan mo sakin
Durog pa sa durog ang puso ko’y nag mistulang buhangin
Di mo na gugustuhin pang kilalanin
Sapagkat kailanmay di mo ako kayang piliin

Noong ika'y nilalamig, ako ang iyong nagsilbing init
Kapag takot ka sa bukas, ako sayo ang unang sisilip
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit di pa din sapat ....

kasi ika'y mawawala na
Nawalan na ng gana ang tadhana
Matapos nya akong bigyan ng pag asa
Bigla bigla ka ring mawawala na

Sana makabalik pa ako sa punto
na hindi ko sinubukang matuto
Mag-isip at gumawa ng tula para sayo
Dahil wala namang magiging tayo

Wala na bang bisa aking mga dalangin
Tinatangay lang ba lahat ng hangin
Ngayon mawawala na sakin
Ang kailanma’y di naging akin.
Para sa mga umibig na mayroon ding iniibig.
k  Sep 2017
Bawat unang letra #1
k Sep 2017
Yang mga kamay mo ang lagi kong gusto mahawakan.
Aalagaan kita at kailanmay di ka magagawang saktan.
Sana hayaan mo kong ialay sayo itong puso ko.
Manahalin ka nito ng lubos, pangako sayong-sayo ito.
Etong puso kong handang isigaw sa mundo na mahal ka.
Etong puso kong handang ipapaglaban ka.
Nais ko malaman mo gusto kitang mahalin.
Ang hirap lang kase hinde ko kaya sayong sabihin.

— The End —