Umiiyak ang dilag nang walang patid Kasama ang dugo at basahan sa sahig Nais kong mabatid Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit? Binunyag ng kanyang mga mata Walang puknat na pagsisisi ni isa Hindi na alam kung ligaya ba o pighati Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat Pakiwari niya Natutulog na ang mga alon Noon siya ay nilulunod Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis Gusto niyang isigaw sa hangin Ngayon kailangan na niyang linisin Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin Pinira-piraso Ngumiti siya na para bang payaso Isinilid niya sa sako Kahit gusto man niyang maglaho Ang amoy nitong mabaho Nanatili pa rin sa damit niya Parang bang tumitiling aso Sinuyod ang masukal na gubat Tinunton ang malalim na balon Puno na ng lumot Doon niya inihulog Ngayon basahan ng mga kumot At ang bangkay ng ama Kasama ng kaluluwa niyang Hinalay nang walang awa