#luha
Samo't saring emosyon
Tila bulkan na gustong sumabog.
Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan.
Maririnig ang hibik sa may dapit sulok.
Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi.
Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa.
Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi.
Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat.
Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat.
At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso,
Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'.
Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran.
Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat.
Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot.
Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan.
Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit.
Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko.
At upang maibsan ang pakiramdam
nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon.
Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan.
Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan.
Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran.
Tanging hiling lamang,
na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan.
Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa.
Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
Umuulan na naman,
Natutuwa ba o nalulungkot ang langit?
Walang nakakaalam,
Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit.
Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha,
Pilit nanunumbalik masasayang alaala.
Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo,
Sa ulan din pala magkakalayo.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan,
Mabasa o magkaputik ay hindi alintana.
Bugso ng ulan ay biglang dumahan,
Payong ang nakita pagkatingala.
Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata,
Iyan ang naaalala sa unang pagkikita.
Tila bang tayo ay nasa koreanobela,
Damang-dama ang pagiging bida.
Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan,
Kwento nating dalawa ay may hangganan.
Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan,
Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka.
Basang-basa at putikan, hindi alintana.
Mga hikbi ko ay hindi mapatahan,
Kasabay nang pagbuhos ng ulan.
Payong mo'y hindi na matanaw,
Wala na, tuluyan ka nang bumitaw.
Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita,
Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Walang labis, walang kulang,
Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam,
Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik,
Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik.
Madalas ay parang lantang gulay,
Kung gumuhit ng salita ay matamlay,
'Di matuka ng uwak kung ialay,
Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay.
Sa tuwing hahampas ang higanteng salot,
Rubdob ng damdamin ay mapusok,
Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot,
Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok.
Minsan nama'y isang mapagtangis,
Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis,
Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit,
Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait.
Hindi na sapat ang galak na malalasap,
Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat,
Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag,
Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag.
Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit,
Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik,
Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo,
Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo.
✍: pensword
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako,
Wala akong pinipili na kahit na sino,
Basta sa oras na ako ay makilala mo,
Sa oras na pinapasok mo 'ko,
Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan,
Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran.
Ako, ang sisira sa buhay mo,
Gagawin kong miserable ang utak mo,
Kapag nakilala mo ako,
Kahit saan ka pa magtago
Wala! Walang tutulong sayo!
Tandaan mo!
Lahat sila aayawan mo!
Guguluhin ko ang iyong mundo,
Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo,
Kahit ipagpilitan **** isarado ang bintana,
Papasok, papasukin kita-
Wala ka nang magagawa!
Sumuko ka na!
Kaibigan hinihintay na kitang sumama,
Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,
Kahit ilang beses **** hanapin-
Susi para makalabas sa suliranin,
Ikaw ay pilit kong aangkinin.
Pilit kitang aagawin,
Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin,
Makinig ka!
Halika na at sa akin ay sumama,
Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,
Patuloy ka lang kukutyain,
At patuloy ka lang paiiyakin,
Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa,
Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata,
At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,
Nabubuhay ako at mas lumalakas ako,
Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,
Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,
Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo.
Huwag kang magtangka-
Pagtakas ay wala kang mapapala,
Dahil kapag dinapuan na kita,
Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa,
Gilitan ng leeg, wala pa ring talab,
Susundan kita hanggang kabilang buhay
Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.
Ako, ang iyong kalaban,
Patago kitang sasaktan,
At unti-unti kitang pahihirapan,
Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan,
Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,
Mistulang buhay mo ay sisirain ko,
Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili,
At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili.
Tandaan mo, at laging isaisip mo,
Kakatok ulit ako sa pintuan mo,
Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo,
Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba,
At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema.
Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,
Na hindi mo ako basta malulupig,
Hangga't dala-dala mo ang aking mundo,
Hindi ako titigil sa'yo.
May panahon ka pa,
Makakatakas ka pa,
At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka,
Hindi ako kasinungalingan,
Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako.
Kung sinasabi **** peke ako,
Na dulot ko lang ay pagpapapansin,
Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing,
Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,
Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,
Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,
Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,
At hindi ako nakikipaglaro.
Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte.
Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo,
o maging ang mga kaibigan mo,
Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo,
Pakiusap ko!
Kung sakaling ako ay makilala mo,
Layuan mo ako,
Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap.
Makakatakas ka pa,
Makakatas ka.
Nabubuhay ako sa mundong ito,
Ngunit kaya niyo ako.
Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
DEPRESYON.
~
✍: mula sa kolaborasyon nina PenSword at Lucifer
[Kevin V. Razalan || John Nelo San Juan]
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:40 AM UTC
Pinahid ang mga luha sa pisngi na
matagal na palang naipon
Sa kakahintay ng panahong
muling iiyak nang dahil sa iyo.
Pero bakit gano'n?
Nakaramdam ng ginhawa sa
bawat hakbang no'ng papalayo ka na?
May 10, 2020
May 10, 2020 at 11:46 PM UTC
Ako’y isang hamak na manunulat
Kung ako’y tatanungin sa yaman ako’y salat
Pagdurusa’t hirap nakaukit sa aking balat
Gutom at pighati aking dinadaan sa masinsinang pagsulat
Mensahe ng aking tula paghihirap ang paksa
Pluma at papel luha ang siyang tinta
Galak at tuwa iguhit mo at ipinta
Pangakong aliw at ligaya iaalay sa’yo sinta
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 11:05 PM UTC
malakas na halakhak
namumulang mga pisngi
sa sulok ng utak
ay may nagsasabing
ang luha rin
ay babagsak
ano mang sandali
Sep 18, 2019
Sep 18, 2019 at 9:37 AM UTC
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana
Nalulunod sa mga baka sakali
Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una
At pangmatagalang pait at sakit sa huli
Unang yakap at halik mula sa kabiyak
Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak
Handa akong masaktan at bitawan ka
Mamahalin kita habang may oras pa
May 17, 2019
May 17, 2019 at 8:41 AM UTC
Bagong Kabanata ng buhay natin
May makikilala kang panibagong tao
Na makakapag pasaya sa buhay mo
At kakalimutan ang taong pasakit
Lang ang dulot sa buhay mo.
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 10:54 AM UTC
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala,
kasabay ng paulit-ulit kong pagluha,
mata ko’y pasulyap-sulyap,
ikaw ang palaging hinahanap-hanap.
tuluyan na akong nalunod,
at tuluyan na akong inanod,
sa aking bawat pagtingin,
bumubugso ang aking damdamin.
sa oras ng iyong paglingon,
tila naguluhan ako sa sitwasyon,
ang lahat ba ng akala ko ay umaayon?
mahal mo na ba ako ngayon?
sa iyong paglakad, ako’y napatagilid,
sa aking mata’y may luhang nangingilid,
sapagkat sa iba ka lumapit,
at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
Oct 1, 2017
Oct 1, 2017 at 2:34 PM UTC
una sa lahat marami akong katanungan
lalo na sa araw ng iyong pag iwan
kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito
tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo
aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo
totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto?
isa pang katanungan, bakit moko ginaganito?
hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento?
bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit
isa doon ang iyong inalay na "mahal ko ito'y isang awit"
ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib
animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig
inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig
hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig
gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig.
ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid.
gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip
bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata
ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa
bigla akong pumikit at tiniis ang sakit
ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit
ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
Jul 28, 2017
Jul 28, 2017 at 9:22 AM UTC
Huminga ulit ako nang malalim
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha
Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon
Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.
Wala na, pumatak na ang unang luha
Di ko na maalalang sinulatan kita
At na sa bawat salita ay naiisip ka
Nalimot ko na ang masasaya.
Pumatak ang pangalawa
At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata
Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin
Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.
At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma
Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala
Masakit na wala na akong mabalikan
Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.
Mahirap ang makalimot
Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan
Mahirap ang...
Bakit ko ba sinusulat ito?
Aug 7, 2016
Aug 7, 2016 at 4:35 PM UTC
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.
para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?
kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.
060915
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:43 PM UTC
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa
-Tula VI, Margaret Austin Go
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC