Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#hinagpis
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan. May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan. May mga katotohanang masakit malaman. Kaya mananatiling tahimik Tikom ang bibig Unti unting naiipon ang poot sa aking puso. Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok. Na para bang nabalutan ng tinik Dahil sa paulit ulit na pananakit. Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Nakisabay pa ang mga ulap Kumulog at kumidlat Mga mata ko'y pagod na muling dumilat Pamilyar sa akin ang gabing ito Marahil, nakagawian ko na Ang umiyak gabi gabi Magkulong, magmukmok Hanggang sa abutan ako ng antok. May mga gabing ayoko ng mag umaga May mga umaga na gusto ko ng mag gabi May mga araw na gusto kong umulan Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 6:50 AM UTC
Hinagpis
sa likod ng matatamis niyang ngiti, malungkot na dalaga'y makikita ang mga tawang nakakarindi, ay mga iyak na tinago niya mga problema, kailan matatapos? aking buhay ay wala nang kulay. bakit parang ako'y naka-gapos? ganito ba talaga ang buhay?
0
Jul 15, 2017
Jul 15, 2017 at 9:52 AM UTC
III
Umiiyak ang dilag nang walang patid Kasama ang dugo at basahan sa sahig Nais kong mabatid Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit? Binunyag ng kanyang mga mata Walang puknat na pagsisisi ni isa Hindi na alam kung ligaya ba o pighati Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat Pakiwari niya Natutulog na ang mga alon Noon siya ay nilulunod  Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis Gusto niyang isigaw sa hangin Ngayon kailangan na niyang linisin Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin Pinira-piraso Ngumiti siya na para bang payaso Isinilid niya sa sako Kahit gusto man niyang maglaho Ang amoy nitong mabaho Nanatili pa rin sa damit niya Parang bang tumitiling aso Sinuyod ang masukal na gubat Tinunton ang malalim na balon Puno na ng lumot  Doon niya inihulog Ngayon basahan ng mga kumot At ang bangkay ng ama Kasama ng kaluluwa niyang Hinalay nang walang awa -Tula VI, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC
Tula VI