Huwag ka nang magalala
Susubukan kong
Itali sa iyong pulso
Yaring munting tala
'Wari isang lobo
Upang ikaw ay tumahan na
Gaano ba kasakit ang iwanan?
Paano ba tatakpan ang mga lamat
ng puso mong nabasag?
Hayaan mong ihele ka
ng mga mumunting kuliglig sa parang
Sa pagtulog mo
Hangad ko rin
Mabura ang sakit
na iyong dinaranas
-Tula V, Margaret Austin Go