Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran?
Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog.
Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan
Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko.
Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda?
Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan.
Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa.
Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala.