Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#bangon
090316 Pambungad Mo'y matatamis na mga ngiti Habang bitbit ko ang mga sandaling nilisan ang pagbati. Batid ng panlasa ang mapait na takipsilim, Ang kahapong yumurak sa Iyong kariktan. May iilang sumisirit ng kandilang bilang Mayroon ding mga nagwawaldas ng dila; May nagwawalis ng kalat at siyang binabasura, Mayroon ding naglalakad ng nakaluhod. Naging tigang ang lupaing napuno ng banyaga Sa haplos ng mga nanlilisik na mga mangungusig. Naging batas ang ideolohiyang makasarili, Itatakwil ang Perlas na sinisid pa't buhat sa bahaghari. Tila mga kandadong walang susi Ang pagsaboy ng mga dikdikang tutuligsa sa Bayan. Dalamhati sa mga Anak ni Juan Mga bayaning umani ng nagniningas na rebolusyon. Ramdam ko ang pluma ni Rizal Sa kamandag nito'y henerasyon ay aahon. Bulag, pipi't bingi'y aakma't aaklas ng panalangin Bangon Pilipinas! Ikaw ang natatangi naming Perlas!
0
Sep 3, 2016
Sep 3, 2016 at 8:27 PM UTC
Durian, Mangosteen, Atbp.
Pawang kaytamis At kaypakla Nilunod ako Ng iyong gunita. Ugat ay balon sa lalim Malaking punongkahoy Nakadipa Harang sa paglimot. Martir man Aahon pa rin Basta’t sa Ugat Ako ay nakalapat. (12/2/13 @xirllelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:21 PM UTC
Storm Surge
Aking inaninag Itong bughaw na kalangitan Hindi nga ba Parang kailan lamang Nang ako’y kanyang tinalikuran? Napako ang pangako Na ako’y pangangalagaan Luha niya’y umabot Di lamang sa’king talampakan Nalasap ko ito Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo Ngayong timplang kape Mula sa mga mata nitong Tila ba kaytayog. Tinangay kami ng malakas na alon Kami’y nagpatangay na lamang Wala akong alam Kundi and makipaglaro Ng tagu-taguan Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan Sakay kami ng pridyeder, Ako at aking ulirang mga kapatid Puno ng pighati’t pangamba Sa uulitin, Ito na lamang ang magagawa ko. Sabi nila, tutulungan nila kami Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa Kanino nga ba kami magtitiwala? Kung mismong kalam nga ng sikmura’y Di na mainda? Wala na akong mailuluha pa Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan Wala na ngang pag-asa Wala man lang naiwan sa amin Sana kasama nalang kami Sa mga buhay na nalantang Parang bula Tulad nila Itay at Inay Di sana’y masaya kami Sa kalangitan. Pumikit ako, Habang mahimbing ang paghikbi Ng aking mga kapatid Sana nga may buhay pa. Sinagip nyo kami, Noong una, nagalit pa ako Ayoko sana Kaso wala na rin kaming magawa Sasama na kami Kasama kami sa pagbangon Oo, ngayon ako na’y magtitiwala At ipapasa-Diyos na ang lahat Siya na ang bahala. (11/17/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
Pridyider