Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pilipinas
112422 Brutal eyes, Lament in the melody of hope. Diverse imagery rolls on each soul Defining the core of their music – A genre that is one of a kind With dustings of masculinity Making a legacy for this generation. Each voice has no nerves – And they’re like a formless water Searching for an everlasting container. To showcase the exquisiteness of the Pearl, The backbone of their glory. At first, they find no one to understand them Even branded with hostile names But they never surrender their flags And raised the Nations’ banner so high Even if all their villains did belittle them. Their chords were like no other – Their skills, they never hype about And yet both the moon and the stars Collided for them And now is their time! Some say: maybe it was their destiny… Maybe it’s just for a while. But their passion and thirst for their craft are unrivaled – Always exceeding their best As if their competitor is their living mirror. Today, even if the Sun has exposed their grandeur, Their modesty becomes a plus factor. The world is their stage, While A’TIN is their steady sustenance. They had sleepless nights before But tenacity led them to so many doors. Many clowns had backed down And some even turned from villains Into aficionados who call them their ‘masters.’ They were born to be a standard – And they deserve mad respect from every Juan. Coz they’re not just stars but kings of their kind, World-class vanquishers that we all look up to! And this is just the beginning Of the unfolding to the world of their God-given stories!
0
Nov 24, 2022
Nov 24, 2022 at 9:38 AM UTC
****** Letters (The Making of SB19)

Continue reading...
43
100921 Ilang beses pa ba tayong magpapaliguy-ligoy? Pagkat sa pagitan ng paghahasik ng dilim At sa pagsilang ng araw ay doon tayo magsisipag-sulpotan? Hindi ba tayo mapapagod? At hanggang kailan ba natin ito kayang ipagpatuloy? Ganitong estado ng pamumuhay rin ba Ang nais nating ipagmalaki't ipasa sa ating mga anak? Pandemya nga lang ba? O kahit hindi naman gipit Ay ito na ang pamamaraan natin?
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 10:39 PM UTC
Nakaw
Gustuhin ko mang makipagsapalaran Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid Ay binabalot ako ng pagtatantya Kung ito na ba ang tamang oras Para kunin ang aking panulat At iguhit ang silakbo ng aking damdamin. Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig At tinitimbang ko pa rin Ang mga barkong pumapagitna sa akin. Nais kong kumawala at lumisan na lamang Ngunit ang aking pagpapaalam Ay mas magdudulot lamang ng dilim. Gusto kong maniwala na ang solusyon Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy Na maaaring makasunog sa mga barkong ito. Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban At ang boses na mas lalo pang lumalakas Kasabay ng pagtambol ng aking hininga. Gusto Nitong tupukin ang lahat At sakupin ang bawat naglalayag Sa kani-kanilang mga direksyon. Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon – Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro. Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya Na mas sumisid pa sa mas malalim. Napahinto ako sa aking pagpupumiglas Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing, "Manatili ka lamang," At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon At unti-unti kong nasilayan na naglaho na Ang mga agiw sa aking mga mata At kusa ko nang nararamdamang Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa. Ito ang aking hantungan, Ito ang sinasabi kong liwanag. Ito ang aking kapanatagan, At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
0
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:58 PM UTC
Lalim at Lilim

40
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig Ang mga balitang may madalamhating panimula. At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma Sa kahon at sa lilim ng Malacanang, Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya. Ginuguhit ko sa aking isipan Ang paulit-ulit na malalaking tuldok At ang kani-kanilang dugtugngan Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan. Natatandaan ko pa noong elementarya, At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito At sabay-sabay na susugod at lulusob Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito. At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili Ang mga imahe sa realidad Ay wala naman akong kakayahan Para pigilan ang tadhana sa pagkitil Ng kanilang mga pinaglumaang orasan. Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan Ay magsisilbi namang pamana Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban. Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat. At marahil bukas o sa makalawa'y Sabay-sabay din tayong magbunyi Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
0
Jun 26, 2021
Jun 26, 2021 at 12:53 AM UTC
Equinox

34
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

Hindi mo mapapatahimik ang mga kumakalam na sikmura Ang mga sumisigaw para sa pagbabago, para sa katarungan para sa ating mga karapatan Maari **** busalan ang kanilang mga bibig, magpanggap na wala kang naririnig O piringan ang kanilang mga mata, magbulag-bulagan sa katotohanan na sa bawat karapatan na patuloy kinikitil at niyayapakan, baka sa’yo na ang susunod Pero sabi mo, ‘bakit pa ako makikisali, hindi naman ako apektado’ o ‘bakit ba sila nanggugulo, wala namang magandang nadudulot ‘to’ Hindi ka sumasama sa laban, dahil ngayon hindi pa ikaw ang nasa loob ng rehas kahit walang kasalanan Hindi pa ikaw ang sapilitang hinuhuli at tinatadyakan sa daan dahil lamang pinaglalaban mo ang iyong kabuhayan Hindi pa ikaw ang nakahandusay sa daan, duguan dahil lang napagkamalan Hindi pa Pero baka malapit na Hihintayin mo pa ba?
0
Feb 3, 2021
Feb 3, 2021 at 3:06 AM UTC
kabayan
011521 Iaalay ko ang aking katha Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin. Malayang pagpili -- Pagpili sa hindi lamang gusto, Ngunit pagpili sa kung ano nga ba Ang tunay na nararapat. Kaakibat ng pagpili, Ay ang pagtimbang sa kung ano bang Makabuluhan sa panglahat na kapakanan. Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili, Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan. Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan Naroon na ang lahat? At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari Ay sama-samang pumoprotesta Sa kani-kanilang adhikain. Minsan, gusto nating matahimik.. Tahimik na lumalaban Hindi gaya ng mga nasa lansangan At itinatali ang sarili Sa kanilang nasanayang batas. Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon, O baka nalimot mo na ring tayo'y demokrasya na ngayon Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon.. Ano nga ba ang malinis na konsensya Sa bayan kong dinungisan na ng pawis Ng iba'ibang ganid na mga bansa? O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman Na tayo rin mismo ang sumira At lumaspangan sa bandila nating Noo'y dugo ang nasa itaas. Sakim ang ating mga sarili Pagkat tayo'y nauuhaw pa Sa pansarili nating kalayaan. Tayo'y walang ipinag-iba Sa mga pailalim na bigayan At pagsalo sa kaso ng iba, Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban Ng mga naging bihag sa selda. Habang ang iba'y naghahalakhakan At pawang mga hangal Sa kanilang pagbalot sa sarili Patungo sa bukas Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay. Susuong ka pa ba? Kaya mo pa bang magbulag-bulagan? Pero sa buhay na iyong pipiliin, Piliin mo sana ang daang matuwid. At paano mo nga malalaman Ang mas higit sa timbangan Kung ang iyong pamantayan Ay sirang orasan at papel na ginintuan.. Nasayo ang hatol Ang hatol kung saan ka lulusong Kung saan ka makikiuso..
0
Jan 15, 2021
Jan 15, 2021 at 12:29 AM UTC
Kalye

59
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad, Ayokong maniwala sa kapalaran, Pagkat hindi na tayo mga batang Nakikipaglaruan pa Sa mga mumunti nating mga pangarap. Sa bawat desisyong ating paninindigan, Doon natin masasabing, kaya talaga natin. Mahirap man makipagsapalaran Sa mga nagtatagisang katauhan Ngunit, isipin mo, Hindi natin sila kalaban. Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya, Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng, “Magandang umaga.” O kung bakit minsan, Nananatili tayong pagod na pagod Na tila ba hinihila tayo ng Araw Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang Na magpapagal at hindi aani. Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo, Kundi iikot tayong may dahilan At hindi tayo magiging pabalik-balik. Tayo’y matututo sa bawat lubak, Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko — At tayong manananatili sa pagwagayway Ng ating mga bandera, Na hindi nagpapatangay Sa mga mistulang diktador na mga alaala. Magbibilang tayo ng araw, Ngayong taon Ngayong araw na ito, Tayo’y magsisimula — At hindi tayo magtatapos Nang walang kabuluhan Ang ating mga adhikain. Tayo ay iisa — Isa, dalawa.. Tatlo.. Tayo na — At magsimula.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:11 PM UTC
Simula
Paano ka magiging kalmado? Kung kapulisan mismo ang delikado, Paano ka matutulog nang mahimbing? Kung hindi ligtas sa iyong paggising. Sinabi niyo sainyo kami ay protektado? Pero bakit sa isang iglap may buhay na naglaho? Mga inosenteng tao namamatay, Walang awang pinapatay; anak, ina man o tatay. Paano mo masasabi wag mabahala? Kung sila mismo ang may sala, Paano ka mabubuhay sa mundo? Kung hindi ka na ligtas at sigurado.
0
Dec 21, 2020
Dec 21, 2020 at 8:59 AM UTC
Paano?
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa. Bungad sa madla, kalabang 'di makita. Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba, Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala? Ang pobre'y pilit na tinatanikala, Layang haring uri'y, 'di binabahala. Mga biktima ay hindi inalintana. Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa! Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda? Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa? Corona bang sakit na nakahahawa? O ang siyang Ulo na namamahala? Lantad ang huwad nilang pakikisama, Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya, Idilat ang mata, bibig ay ibuka. Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
0
Sep 8, 2020
Sep 8, 2020 at 9:01 AM UTC
Hungkag
Ang nakaupong tiwali— siya ang binoto ng masa. Sa manggas ng kanyang barong, panganib ng maralita May kinang ang kan’yang ngiti mapungay ang mga mata Sa bawat pangakong lahad ay pagsibol ng pag-asa. Pag-asa na tayo'y ligtas ay naging katakot-takot. Para raw sa Inang Bayan, peligro na nakabalot. Ang salitang bulaklakin ay daglian ding nalanta kapalit ang pagtungayaw, at banta ng direktiba. Hindi natin inasahan— bahid ng dugo sa daan. Mga kamay, nahugasan ngunit hindi ang lansangan. Sa lapida nakaukit ngalan ng mga biktima. Sunod kayang tatahimik ang silang may pinupuna? Hapis ng inang nawalan, “Crispin, Basilio, anak ko,” oyayi ng Inang Bayan. “Pasismo! Peligro rito!”
0
Aug 22, 2020
Aug 22, 2020 at 10:55 PM UTC
Danak ng Dugo
Mirror, mirror, oh, horrors on the wall! Shall we pinpoint the most noxious of them all? The Orient's Pearl shed the vehemence of a breathing nightmare, Where divided abundance were forced to fit the mouth by power. Shall we pinpoint the most noxious of them all? Those angels who led the whole domain to its fall, Where divided abundance were forced to fit the mouth by power? Or the spawns who crippled the only way out of hell's lower ladder. Those angels who led the whole domain to its fall, At the temple of their Lord, they kneeled and kissed his filthy sole. Or the spawns who crippled the only way out of hell's lower ladder. A dictator of what is enough and what is not for each other. At the temple of their Lord, they kneeled and kissed his filthy sole. To paint scarcity with the luxurious blood of their skinny soul. A dictator of what is enough and what is not for each other. The development of their lives mirrored the regression of their cower. To paint scarcity with the luxurious blood of their skinny soul. And erase the borderline between good and evil in hell's deepest hole. The development of their lives mirrored the regression of their cower, Without a cost of every soul, who survived but cannot live any further. And erase the borderline between good and evil in hell's deepest hole. After all, we're just people, who wanted a magical egress without a toll. Without a cost of every soul, who survived but cannot live any further. A down-spiralled glass where progression always got knocked over. After all, we're just people, who wanted a magical egress without a toll. But now, we're certain who is the most noxious and vicious of them all. A down-spiralled glass where progression always got knocked over. Hidden beneath its transparent cover is nothing but hell and its fiery fire. But now, we're certain who is the most noxious and vicious of them all. The Orient's Pearl shed the vehemence of a breathing nightmare. Hidden beneath its transparent cover is nothing but hell and its fiery fire. Mirror, mirror, oh, horrors on the wall!
0
Apr 13, 2020
Apr 13, 2020 at 12:59 AM UTC
Filling Mouths

32
Siyang nagsisilbing tahanan at ilaw At buhay nitong sangkalangitang bughaw Ay s'yang sa pag-ibig ng anak ay uhaw 'Pagkat kasaysayan ng bandila't araw Ay 'di na singtingkad at nakasisilaw Mayroong bayani't magiliw na supling Mandirigmang hahayo at magigiting Ngunit mga lilong anak ay mayr'on din Banyaga ang dila't hindi sasambitin Ang panata sa inang dapat mahalin Awit ng puso ni Inang Maralita Na mula sa luha, pag-irog, salita Ay hindi kaylanmang dininig ng madla Na nukal sa bayan subalit ang sutla Ng kasuota'y kay Ina'y 'di nagmula Ang inang mayaman sa ganda ng ngiti Ay nagkukubli sa likod ng pighati Palibhasa ay dalita sa pagbati At pagmamahal ng anak na lumaki Sa yakap ni Pilipinas hanggang huli
0
Dec 22, 2019
Dec 22, 2019 at 11:47 PM UTC
Inang Maralita
Mahal ko ang Pilipinas pero hindi ng walang kapintasan Mahal ko sya kahit traffic ay di nababawasan Mahal ko sya kahit talamak pa rin ang kahirapan At patuloy kong mamahalin Pagkat siya ang bayan ko na sinilangan Kahit problema nya sa droga ay hindi nalulunasan Kahit mga teritoryo pa nya ay unti-unti nang nababawasan Kahit mas marami pa sa tama ang mali sa aking bayan Mahal pa rin kita, Pilipinas Hinding-hindi kita iiwan
0
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 3:09 AM UTC
Ang Bayan Kong Pilipinas
ang siglong magulo wala namang multo pero bakit maraming nawawala nalang bigla na parang mga multo kinuha ba sila ng mga kulto? nakalilito liko sa kaliwa sa kanan sa kanina kina kian ina ka! wala na sila alis baka mapatay ka yata? KABAhan ka na
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 6:39 AM UTC
Mga Multo Ata
Wika ko ay siya ring wika mo Tayo ay mga kapwa katutubo, Pilipino ang ating sinisimbolo Ano man ang ating kulay at anyo. Wika ay pagkakaisa ng bawat isa Pinagbuklod-buklod ang puso’t diwa, Bukambibig ng maraming dila Sa pagkakaintindihan siya’y itinakda. Wika natin ay dapat na mahalin Hindi natin dapat alipustahin, Ito ay karapat-dapat na galangin Ating ipagmalaki at ating tangkilikin. Wika ay siyang sagisag ng ating bansa Na binuo ng mga mamamayang bihasa, Dilang bihasa sa paggamit ng wika At mahilig sa mabulaklaking salita. Wika ko ay siya ring wika mo Bumubuhay sa ating pagka Pilipino, Pinapatatag ang ating hukbo ‘Yan ang tibay ng Filipino!
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:38 AM UTC
WIKANG FILIPINO
kung walang tatayo para sa bayan, sino? ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro? ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago? kung hindi tayo lalaban, sino? sino bang dapat lumaban at makiaklas? sino bang nandyan hanggang bukas? sino bang nais humamon upang maging patas? sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas? hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan? hindi ba't ikaw na mamamayan? hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman? hindi ba't ikaw na anak ng bayan? sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon, ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon. mga aksyon natin dapat iayon, kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
0
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:33 AM UTC
anak ng bayan
mababa man o mataas ang lipad, nagiisa ka sa himpapawid. sana ay iyong matupad, layunin **** matuwid. ikaw ang agila, tanyag at sikat. ikaw ay aking maalala, 'pagkat ikaw ay tapat.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:11 AM UTC
agila
aanhin mo ang bayang mayaman, bayang maunlad at sapat, kung patay na ang mamamayan, at sa kalayaan ay salat.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:07 AM UTC
bayan
ang pag-asa ng bayan, ang tanging makapagbibigay ng kalayaan, ani Rizal ay kabataan, ngunit ngayon ay nasaan?
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:06 AM UTC
nasaan?
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon. Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao. Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan. At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:58 PM UTC
Buhos
Bayani -- Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman O mismong sa mga modernong Maria Clara O mga aktibisang nagmistulang mga bayani Sa kanilang walang pag-imbot Sa pagsulong nang may paninindigan Sa kani-kanilang ideolohiya. Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod, Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng salitang "bayani." Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan," Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon, Bagkus ng sariling karanasang Nagbukas sa aking ulirat Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon. At pupwede ko palang matuklasan Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita. Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani? Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain Ngunit hindi naman ako pinagbuksan. Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan Akala ko hanggang doon na lamang ako Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi At pagkakaguluhan saan man sila magdako Ngunit minsa'y limot na ang halaga. Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani -- Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat Ang pagbuwis ng mga buhay -- Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan. Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala. Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang Na ang aking laban ay tapos na. Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya. At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao -- Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw Pero pangako -- Hindi ako titigil. Oo, pupuwede akong magsimula sa wala Pero ako ay may mararating At marahil bukas o sa makalawa, Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y Magiging higit pa tayo sa mga bayani. At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal. Ayos lang -- Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan Ay naroon ang tunay na mga bayani Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin. Hindi ginto’t mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan. Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan. Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:57 PM UTC
#BAYANiJuan

78
Gera nang karahasan,Pagyao ng iilan Kasamaan na meron sila,inosente ang pinupuntirya Marami na ring nabubulag sa salapi,masyado ng sakim sa kapangyarihan Kaya pati mga mamamayan,ginagawan ng paraan para kumita sila ng barya Sakim sa kapangyarihan,umiiyak ang iilan Wala na ngang laban,Sinasabi nyo paring nanlaban Tahimik lang akong naglalakad,bukid ang kapaligiran Ang dami kasing magsasaka,kung magtanim droga ang nilalagay sa tagiliran Kaya kailangang mag-ingat,magmasid dahil Hindi lahat ng tagapangahalaga sa bayan ay dapat pagkatiwalaan Narinig mo na ba yung putok ng baril sa kanluran Nangangahulugan na nawalan nanaman tayo ng isang pag-asa ng bayan Inabuso na kasi ang katungkulan,Sulit tuloy ang nakamit na kalayaan Ang tagal nga imulat ng mga mamamayan ang kanilang isip at matang nagbubulag-bulagan Ginigising ko na kayo,Tulog pa yata,Lasing sa tinomang alak ng kalokohan, Tanghali na!Tulog na ang mga manok na naunang nagising kanina habang tayo'y nagbibingi-bingihan.
0
Apr 12, 2018
Apr 12, 2018 at 10:17 AM UTC
Tilaok
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak, Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas, Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso" Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso, Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo, Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko. Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko, At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko, Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka, Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo, Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
0
Nov 19, 2017
Nov 19, 2017 at 11:20 AM UTC
Pansaman-G-alak
Malagim ang karanasan ng batang musmos na iniwan ng pagmamahal ng kanyang mga magulang, Mga Magulang na inisip ang sariling kapakanan,Nagmahalan,nagkasakitan humanap ng iba iniwan ang bunga na sanhi ng pagkasira ng buhay ng kabataan, Kelan ba matututong magmahal ng isa ang isang nilalang? Habang buhay bang may masisirang pamilya na nagdudulot ng kalungkutan sa ating pamayanan , Pilit parin bang hahanap ng kaligayan na sisira sa kasiyahan ng sarili **** anak , " Ipinagpalit mo lang ang inaalagaan kong tiwala sa isang nilalang na kung tawagin ay hampaslupa ".
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 4:41 PM UTC
Pa-mil-ya