Sinubukan kong bihisan ng titik at tugma Ang ilang mga bagay-bagay na iiwan ko Sa'yo sa oras na pumailanlang na ang diwa Ng aking mga tula. Ngunit gaya ng dati,
Unos na dumatal ang aking luha, linunod Nito ang mga kataga, muling nabalot ng Hiwaga ang bawat saknong na dapat sana'y Malaon nang yumabong sa iyong pang-unawa.
Gayun pa man, manatili kang manampalataya Sa kahulugan ng kawalang kahulugan ng daigdig Na ito. At nawa, sa pagpagpag mo sa tarangkahan ng Kahapon, buong pagpupugay **** idambana
Ang paulit-ulit ng siklo at sigwa ng ating pag-ibig.
Para kay Khiwai.
University of the Philippines---Diliman Quezon City, Philippines January 28, 2014