Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
11h
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw
ang malawak na hinagap ng kaparangan?
Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway
kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan?
Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw
at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa?
Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim
kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik?
Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon,
kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak.
Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak
sa kagitingan ng mataas at malayang agila?
Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya,
kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya.
Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot
sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
Sa pagtatapos ng buwan ng panitikang pambansa...
First poem from El Nido series

ang pugad, the nest, el nido
🪺
Louise
Written by
Louise  Philippines
(Philippines)   
29
   1
Please log in to view and add comments on poems