Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1d
012025

Paanong ang mga bulalakaw
Ay kusang nagpapaubaya?
Mahuhulog sa lalim ng gabi
Dawit ang liwanag nitong taglay.

Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan
At pumipisan pa rin ang mga mata
Sa lilim ng Kanyang kagandahan.
Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat,
Sa palad Niya’y kakapit pa rin
Maging ang may tangan ng mga sandata.

Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa
Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi.
Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim
Na nagbabakasakaling masaklawan nito
Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag.

Ilalantad na ang sarili
Na para bang ito na ang huling paghinga.
Hindi na iaantala ang panahon,
Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa —
Ngayon ang tugon nya‘y “oo”
Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
The Poetic Architect
Written by
The Poetic Architect  F/PPC Palawan, Philippines
(F/PPC Palawan, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems