Kung ang bawat palakpak at panalo ko sa mundo’y Siya namang mitsa ng paglayo ko Sa’yo — Huwag na lang siguro; hihinto na ako.
Kalimutan na lang natin ang entabladong ito At ikahon ang mga bituin sa’king mga mata. Mga damdaming minsa’y napapariwara, Ngayo’y kusang inaanod sa hiwaga ng Pagsinta.
Kakatok tangan ang pahiram na hininga… Palimos ng kahit isang patak ng dugo **** dumanak. Pagkat kaligtasan ang aking hanap, Sa isang iglap ako’y magbabalik sa simula — Sa simulang nalimot at nilumot ng kasalanan.
Ako’y magbabalik Sa’yo, bunga ng yaman ng Pag-ibig Mo. Sa silid na ang tanging Hari ay Ikaw At ang Ngalan Mo ang nananatiling may kabuluhan.
Sa’yo ang unang yapak Habang ako’y nakaakbay Sa’yong Kalakasan At Ikaw lamang ang aking palatandaan Na ang pintua’y bukas na At handa na upang maging isang Pahingahan.