Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap ... Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Patingala ka man na masdan ako O kahit pa tanawin mo ako ng payuko
Magmumula lagi sa kaliwa Aking simula patungo sa kabila , ikotin mo man ang iyong tingin pakanan Manunumbalik ako tulad ng isang orasan At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan, at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan...
sa umagang may lamig kapagdaka ' y init At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit Ang kaitaasan ay napapasailalim Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan
Nang walang ibang ibig sabihin... Hanggang pawang totoo lamang ating anihin ! Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining.. Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!!
Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo ! Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig , Tatahan ang hinagap sa paghagilap ! Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap !!!
a prequel from the poem entitled Kapag natuyo na ang ilog , Hintayin mo ang mga ulap