Malalalim ang gabi At tinatanong ko ang langit Kung kagaya ba nito ang Iyong mga mata. Kung sa aking pagtulog ba'y Ilang umaga pa ang bubungad At aalayan ko ng pagsinta.
Sa bawat araw na lumilipas, Ay walang kurap ang aking pagsamba Sa ngalan **** Hindi sa anumang papel ko lang nabasa, Ang kaluwalhatian **** siyang himig Sa bawat silakbo ng oras At pintig ng segundong Lumalamon sa aking pagkatao.
Tangay Mo ang aking pagsusumamo, Ang bawat pantig Ng mga sinasambit kong mga salita, Ang bawat kuwit sa puso kong Nalulunod sa Iyong presensya.
Ikaw ay nag-iisa — Walang katulad ang Iyong Ngalan. Walang ibang pupurihin, Walang ibang sasambahin, O Diyos, Ikaw ay sapat.