Nauubos na ang batang namamangha Sa mga mahikang angkin ay pambihira Tuldok ang sukli sa isip na puno ng katha At pinako ang tingin sa mundong mapanira
Wala na ang ligalig sa puso at isip At ang mga bituin ay di na sinisilip Nangadilim ang paligid sa bawat kong pag-ihip Sa apoy na waring ang ningas ay pinipilit
Ang pag pakli ng panahon ay isinusumpa At ang bawat pahina'y lumalalim ang salita Hanggang kailan kaya guguhit ang paksa Nang panulat kong nauubusan na ng tinta