Hangal na humahagilap ng salapi at material Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal
Lubusang lumayo sa inaasahang pangako Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako?
Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog Gising nga ngunit patuloy na natutulog Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog?
Dakila nga sa lahat ng mga hangal Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal Ano ba ang nais **** parangal Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal