Ako'y tila papel na madaling tangayin Dinadala sa kung saan ang ihip ng hangin Ako'y tila pangarap na nais abutin Sapagkat mula sa lupa ako'y titingalain
Ako'y nandidilim sa ibabaw ng lupa At pinipigil ko ang pag patak ng aking luha Ang aking ngitngit ay kulog na nakabibigla At kidlat ang lumalabas sa tuwing magsasalita
Dumating ang panahong hindi ko na kaya Ang bigat ng hirap ay sukdulan na At ang aking luha ay pumapatak na Ang lahat ay ibubuhos ko na!
Sa bigat ng paghihirap na pinapasan ko Ay dilim na tila tinakluban ang pag-asa mo At kapag naibuhos at umaliwalas na ako Ang araw ay sisilip na tila pag-asa mo
Riyan sa malayo ako na lamang ay masdan Sapagkat ako'y di mahahawakan kahit sa malapitan Ngunit pumarito ka't ipararamdam ko ang kaginhawaan Dito sa alapaap ng walang hanggang kalayaan