kumusta, kaibigan? halika't pakinggan ang istoryang dapat **** malaman sana ako'y iyong paniwalaan dahil hindi ito kathang isip lamang
hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda
habang ako'y nakatulala sa tala tinatanong ang mga bakit kay Bathala may mga boses na nang-aabala hindi makita-kita, sino kaya sila?
pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila ngunit meron akong naisip na ideya sa wakas ay matatahimik na siya
sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan ngunit kasabay nito ang aking paglisan
kaibigan, sana'y iyong maunawaan sa pagtatapos ng aking istorya ako'y tunay na naging maligaya ang aking buhay gumaan't guminhawa kasabay nito ang pagtahimik nila
sa pagkupas ng aking larawan kasabay ng pagpatak ng ulan aagos ang lagaslas ng dalampasigan at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan
kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko kundi para ito sa ikakatahimik ko