May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Ayaw akong bitawan Hindi ko magawang kalimutan Kalunos lunos Parang hayop na hindi Makahanap ng tubig At nakahandusay Sa kanyang ina.
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Pinagtatawanan ang aking Pagsusumikap. Iniinsulto ang aking ngiti Nagdudulot ng tagtuyot Sa sanlibutan ng aking Kaluluwa
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Nagtatago sa aking kuwarto At lumalabas sa sarili niyang oras May sariling bibliya na naglalaman Ng kasinungalingan at kahayupan
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Unti-unti akong pinapalitan Inoorasan, hinuhusgahan Sinisiklaban ang aking Mga panaginip
May trahedya na kumakapit Sa aking katawan Naglalayag sa dagat ng itim na araw Pinipilipit ang aking mga laman loob At pumpatay ng mga inosente
May trahedya na kumakapit Say aking katawan Pinipilit kong pakainin Patahimikin, pagurin Ngunit hindi magawang Kaibiganin