Sabi nila di ka tunay na manunula kung ang sulat mo'y di tugma Kaya napatingin ako sa aking mga tula At nagtanong sa aking sarili kung ang aking iniisip ay tama O tunay nga ba ang aking duda Hindi nga ako isang makata Marahil ang gawa ko'y di makatutugma Dito ay kalungkutan ang aking nadama Dahil sa kasinungalingan ng aking paniniwala Di tugma ang aking kinurbang salita Gamit ang makabagong pluma Luha't dugo ko'y na baliwala Dahil lang sa sinabi ng isang makata Kaya't gumuho ang aking mundo't pag-asa Galit at pighati ang gumising sa aking gabi, mulat ang parehas na mata At ako'y umiyak at lalong nagduda Sa aking talento't kakayahang tumula