Ang kahapon ay nagdaan, lungkot ko ay lumisan. Tunog ng huni ang aking nagisnan. Liwanag ng araw ang aking nakikita. Sa dapit sulok ako ay nakatanaw. Simoy nang hangin ang nalanghap, ngiti ang siyang nasilayan.
Oh, kay ganda ng umaga! Sipsip ng kape ang aking natamasa. Hindi magsasawang dumungaw sa maliit na bintana. Buhok ay hinangin pero ito'y nagbibigay buhay. Mata ko ay pumungay sa ganda ng tanawin. Kay gandang pagmasdan ang mga ulap na animo'y dinadala ka sa kalawakan.
Kay sarap marinig ang huni ng mga ibon na para bang kinakalma ang iyong damdamin. Binawi nito lahat ang kapintasan na aking pinagdadaanan. Lumuha man noon, napalitan naman ngayon nang isang totoong ngiti. Maari bang ganito nalang palagi at kalimutan ang pait na siyang aking nakamtan?