Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa. Bungad sa madla, kalabang 'di makita. Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba, Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?
Ang pobre'y pilit na tinatanikala, Layang haring uri'y, 'di binabahala. Mga biktima ay hindi inalintana. Nakapagtataka βyong pangangasiwa!
Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda? Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa? Corona bang sakit na nakahahawa? O ang siyang Ulo na namamahala?
Lantad ang huwad nilang pakikisama, Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya, Idilat ang mata, bibig ay ibuka. Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
idilat ang mata, gising sa pagkabalisa. 'wag kang matakot magsalita, ikaw ang natitirang pag-asa.