Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2020
Ang lahat ay lilipas din
Katulad ng panahong hindi napapansin
Sulat sa aparador na nilimot din
Katulad ng pangakong binitawan din

Mga kaibigang lumisan din
Para sa bagong buhay na haharapin
Mga ala-alang kalilimutan din
Sa bawat pag ikot ng araw at bituin

Ang lahat ay lilipas din
Maging ang luha mo sa dilim
Ang lahat ay lilipas din
Maging ang taong ikinaiingatan din

Ang lahat ay lilipas din
Maging ang mga nakakauyam na suliranin
Ang lahat ay lilipas din
Maging mga pangarap sa ilalim ng bituin

Ako may lilipas din
Sa ala-alay nagdaang parang hangin
Akoy napapagod na rin
Sa daigdig na abala sa iba ang tingin

-JGA
Pusang Tahimik
Written by
Pusang Tahimik  28/M/Quezon City, Philippines
(28/M/Quezon City, Philippines)   
823
   Triste and Eli
Please log in to view and add comments on poems