Wasak aking atay , Nangungulila ako itay Nais kong mamatay ng hindi ako mapapaaray Nagtawag ng uwak habang ako'y nakahimlay Darating ang mga araw lumbay ko'y kapalit ay lamay
Sitwasyong gulong-gulo hindi ako sanay Lungkot na kalaban , isip ko ay pinapatay Hinahanap ang kahapon , Saya ay nahiwalay Nagbabakasaling magkaayos muli kayo ni inay
Katiting na porsyento , yan ang mahirap ibigay Pisi ay napigtal, dumilim ang buhay Tarik ng hagdan , makulimlim loob ng bahay Datdatnan madilim na umaga , pagmasdan,damhin malamig na ang aking bangkay
Konektado ang isip at pisi pati ang pagiyak ng uwak