Ano bang nais **** mabasa Ano bang nais kong maitala Marahil ito’y tungkol sa mga bulaklak Mahalimuyak, wari pa’y simbolo ng galak Maaari ring tungkol sa mga ulap Tinitingala at hangad ay mayakap O kaya naman ay sa mga paruparo Susundan ng tingin saan man dumapo Ilan lang ‘yan sa mga tuwinang paksa Mga usaping purong halaga ang tinatamasa Kumusta kaya ang mga pangkaraniwan Ang mga patay na dahon sa putikan Bisikleta ng ordinaryong mamamayan Lapis na panulat ng pangalan ng napupusuan Iyong madaling nabubura, hindi nahahalata Kabilang sa mga madalang bigyan ng pansin Mga bagay na sapat na ang isang tingin
Kumusta kayo?
Kumusta tayo?
Siguro’y nangingiti lulan ng duyan Kalmado, mahinahon, malaya Tago sa ingay ng karangyaan Simple, payak... nawa.