Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon.
Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema
Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba.
Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka.
Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala.
Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."