Ang katahimikan nitong gabi Na tila'y dinadala ako sa panahong ayaw ko sanang matapos Ang mga halakhak na nagsisilbing musika na gumagabay sa bawat hakbang nitong aming mga paa Ang mga ngiting nakapinta sa mga mukhang kay tagal na ding hindi nakita Sayang may dalang takot na wari'y pinapahatid nitong mga mata Na sa bawat pagsilip sa mga masasayang kaganapan ay sya namang pag kumpas nitong maliliit na kamay ng orasan Sa bawat segundo kapalit ay bawat alaalang pilit na kumakawala Matay nakapikit at araw ay pilit na sumisilip Nagbabadya ng panibagong umaga na pilit kang ginigising mula sa iyong pagkakahimbing