Dumating sa aking buhay na hindi inaakala Gayunpaman maiituring kita na isang biyaya Isang biyayang sobra sa aking nagpaligaya
At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka.
Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Ang dami ring taong sa ating buhay ay lumisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan
Salamat ika’y natagpuan Binigay ka man sakin ng hindi inaasahan Iyon ay hinding hindi ko pagsisisihan Sa hirap at ginhawa mahal, nandito lang ako ako’y iyong maaasahan
Dito ka lang sakin, Hinding hindi kita bibiguing pasayahin Ikaw at ikaw lang ang pipiliin Kung alam mo lang kung gaano kita dinadalangin
Tumingin man sa madaming bituin Wala nang iba pang hihilinginin Dahil sa aking paningin ikaw na ang pinaka magandang bituin
Itigil mo na ang panliligaw mo Sapagkat ika’y sinasagot ko na ng aking matamis na oo
i gave this to him, the time he asked me to be his girlfriend. we made it official last december 6, 2019!! my greatest blessing, indeed.