Saya, yan lang naman ung gusto kong maramdaman ngayong 2020 na kasama ka Bakit parang hindi ko ito dama gayung kakasimula palang ng taon Pait, sakit, hirap ilan lamang yang nadama ko simula ng pagpasok ng bagong taon Ang hirap, ang hirap isipin kung ikaw pa ba ung minahal ko? Bakit parang pagpasok na pagpasok palang ng taon ika’y nagbago? Pait kasi hindi ko na maramdaman ung tamis at kilig sa bawat yakap at halik mo. Sakit, ang sakit sakit isipin na ako pa ba ung babaeng laman ng puso mo?
Hindi ko alam kung paano ito sabihin sayo Dahil napakasensitibo **** tao Mahal,mahal na mahal kita ng buong buo, Ayaw kitang saktan sa mga salitang gusto kong ibahagi sayo Kaya sa tula ko idadaan ang mga to Susubukang maghinay hinay sa mga salitang bibitiwan
Mahal ikaw pabayan? Bakit parang hindi? Kung magbiro eh hindi ko alam kung akoy sisimangot o ngingiti Pero sige na nga akong ngingiti nalamang ng Makita **** ayos lang saakin Habang nakangiting naisingpang sa iba nalang tumingin upang hindi mo Makita ang mga lungkot saaking mga mata tatawa para di mahalatang akoy nasasaktan na baka kase pagsumimangot ako ay iyong sabayan mga sumpong na aking nararamdaman eh tatakpan nalamang ng mga tawa.
Sige patuloy akong magpapanggap na maging masaya kahit ang aking nararamdaman eh sobrang sakit na kaya ko lamang ito ginagawa upang hindi ka mawala, mahal, sana pag ito’y iyong nabasa wag ka sanang mawalan ng gana o di kaya ay sisihin ang iyong sarili sa kadahilanang ako’y iyong nasasaktan na. ayos lang ako wag kang magalala patuloy na kumakapit upang ang relasyon natin ay hindi masira mahal na mahal kita sana iyong tandaan ngunit ako’y makikiusap lang sana wag ka sanang panghinaan ng loob sa aking mga nasabi at patuloy na lumaban dahil hindi ko na alam ang gagawin pag ika’y nawala pa
alalahanin ang saya, tuwa, kulitan na ating nagawa at patuloy na kumapit at subukang ayusin itong problema wag ka lang mawala. Madami pang oras, araw, lingo, buwan,taon o kahit dekada. Wag ka lang bumitaw saaking kamay mahal.
Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan Mahal na mahal kita kahit ika’y ganyan Madaan yan sa lambing Wag natin ulit sayangin etong pagkakataon Dahil mahal ako na ang nagsasabi na tayo hanggang dulo Away, problema, ilan lamang yan sa mga pagsubok na ating dadaanan Dahil pagtapos ng mga iyan Maganda ang surpresang naghihintay satin. Mahal kapit lang, laban pa. malalagpasan din natin yan.